Nasanay na ako'ng mag-isa.
Di ko hinahanap ang may makasama.
Kaya noong bigla ay dumating ka
Di ko alam kung saan magsisimula.
Bakit nga ba ang bilis mong binago
Ang lahat ng mga nakasanayan ko?
Pati ang pakiramdam ng pag-aalaga na nilimot ko
Unti-unti ay ipinaaalala mo.
Magtatagal ka ba o panandalian lamang ang lahat?
Kung aalis ka'y gawin na upag di magdulot ng pilat.
Panghabambuhay na ba ito o hanggang bukas lamang?
Ang ayoko lamang ay magmukhang timang.
Huwag mo akong alagaan o lapitan,
Huwag mo akong sanaying ikaw ay nariyan.
Dahil baka sa huli ako lamang ay masaktan
Kapag nagsawa ka na at sa dilim, ako ay iwan.
*Sometimes, we tend to build a wall between ourselves and the person who wants us to know that we are not alone. Why? Because we're afraid of building ourselves up only to be crushed again.
BINABASA MO ANG
Kalipunan ng mga Salita ng Pusong Sugatan
PoetrySa malayo nakatanaw Hawak ay iyong kamay; Mahal, nakikita mo ba ang bukas? Sa wakas, tayong dalawa'y gagawa ng ating bakas. © Please, DO NOT copy without the author's permission. Let's practice respect and ethics here.