Ayoko nang umasa sa wala.
Bakit ba kasi ako sa'yo humopia?
Akala ko kasi may pag-asa tayo
Kasi sobrang bait at lambing mo.
Ang sakit malamang iba ang gusto mo
At hanggang sa pagiging kaibigan lamang ako.
Di bale, sa susunod ay alam ko na
Na ang puso, ay dapat ingatan pa.
Di dapat maging padalos dalos
Kahit ang pag-ibig, sa puso ay tumagos.
Mahirap na, baka muling madurog
At sa luha ang puso ay malubog.
Pero kahit ganon, gusto kong magpasalamat
Kasi naranasan ko na ang lahat;
Naranasan kong umibig at masaktan.
Natuto akong sumuko at lumaban.
Nalaman ko ang pagkakaiba ng mahal at mahalaga.
At higit sa lahat, naging kaibigan kita.
Sa susunod ay alam ko na
Di dapat umasa sa wala.
YOU ARE READING
Kalipunan ng mga Salita ng Pusong Sugatan
PoetrySa malayo nakatanaw Hawak ay iyong kamay; Mahal, nakikita mo ba ang bukas? Sa wakas, tayong dalawa'y gagawa ng ating bakas. © Please, DO NOT copy without the author's permission. Let's practice respect and ethics here.