Kaya Ko pa ba? Kaya Ko na

1.5K 38 59
                                    


Sa timba timbang luha na inilabas ng aking mga mata

At sa ilang unan na sa gabi'y tinulugan ko kahit basa,

Isama mo pa ang kumot kong madalas ay naging tuwalya

Naitanong ko sa sarili ko, "kaya ko pa ba?"


Ilang cutter na ba ang tinangka kong hawakan?

Ilang bote ng alak na ba ang aking tinungga

At pilit pinapatak ang bawat lamang alak?

Naitanong ko sa sarili ko, "kaya ko pa ba?"


Ilang lubid na ba ang ipinangsukat ko sa aking leeg?

Ilang detergent at muriatic acid na ba ang aking binili upang laklakin?

Ilang pakete na ba ng sigarilyo ang aking hinithit?

Naitanong ko sa sarili ko, "kaya ko pa ba?"


Ilang beses ko na ba pinanood ng paulit ulit ang mga drama?

Sira na nga yata ang kopya ko ng One More Chance

Memoryado ko na nga ang bawat linya at mura ng mga karakter doon

Naitanong ko sa sarili ko, "kaya ko pa ba?"


Ilang beses na pinagtangkaan ang tumalon sa tulay

At magpasagasa sa trak at maging lantang gulay

At ipanalanging masabi ko rin, "Sino ka ba? Pasensya na, may amnesia kasi ako."

Naitanong ko sa sarili ko, "kaya ko pa ba?"


Sa ilang milyong beses kang sumagi sa isip ko

At sa ilang milyong beses kong ipinagdasal na maglaho ako,

Pilit na nagsumiksik sa utak ko ang mga salitang

Mahal pa rin kita, pero kaya ko pa ba?


Nagmukha na nga akong tanga ng simulan kong gumawa ng time machine

Maibalik lamang tayo sa ating nakaraan, pero kulang pa rin.

Di na ako makabalik sa kahapon kung kailan ako lamang ang mahal mo

At patuloy pa rin na tinatanong ang sarili, "kaya ko pa ba?"


Ang hinihiling ko lamang ay sana sa bawat suka at untog na dinanas ko,

Kahit sandali ikaw ay makalimutan ng durong kong puso.

Yung bukas paggising ko, wala na ang pait at hapdi

Yung bukas paggising ko, wala sa isip ko ang bawat mong ngiti.


Sumulat ako ng kanta, mga tula, at mga kwento

Para kahit souvenir man lang ng mga alaala natin ay may maitago ako

Dahil ang mga larawang dati'y tinago ko ay pilit na sinunog mo

Pero sa kalagitnaan, natatanong ko, Mahal, kaya ko pa ba?



Kakalimutan kita at ang nakaraan

Tatalikuran bawat sakit kahit sugatan

Gagamutin lahat ng paltos at hiwa

Masabi ko lamang, "kaya ko na!"


Ilang buwan na ang lumipas wasak pa rin ako

Pero huwag kang mag-alala, pasasaan ba't makakatayo ako,

Malalampasan ang bawat pagkakadapa

At sa wakas ay kakayaning harapin ka

At masasabi kong, "kaya ko na!"



*For my non-Filipino speakers readers, this is basically about a wounded person (a broken, dying, hopeless [at some point] person) trying to relate his/her story of survival. The persona is asking himself/herself "Can I still stand up? Can I still survive? Can I still live? Can I still love after this pain?" In  the end, he/she resolves to believing that one day, he/she will rise above the pain.

*As for the song, it's a personal favorite. I cried while singing this song (you know, alone inside my room, hugging my pillow, tears falling and all) back when I was devastated. But see, I moved on. Lol

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz