Ang Pag-ibig

488 15 6
                                    

Ang pag-ibig ay parang paglipad ng isang maya
Na kapag pagod na'y maaari namang mamahinga.
Kapag pakiramdam mo'y nawawala ka na,
Tumigil sa isang gilid at saka maghanap ng daan pabalik sa kanya.
Sa oras ng kalituhan ay dapat na madama
Na sa gitna ng isang unos ay may karamay ka
At sa isang mundong nababalot ng kadiliman
Ikaw at siya ang magsisilbing kanya-kanyang liwanag.
Ito'y ang kaalamang may masisilungan ka
Kapag malakas ang ulan at kumikidlat pa.
Ito'y isang damit na maraming tupi at gusot
Na sa kalauna'y dapat ninyong maplantsa.
Ito'y isang marahan ngunit kaakit akit na sayaw
Na sabay iindakan ng magkabila ninyong mga paa.
Ito'y isang masalimuot na landas
Na sabay ninyong tatahakin at tiwala ang armas.
Ito'y ang pagsunod at pagpaparaya
At paglalaan ng mahabang pisi para sa isa't isa.
At maaari rin naman na ito'y ang paglaya
Sa panahong ika'y ubos na ubos na.

*I can't think of any song or better photo. 😉
This poem speaks of possible definitions and actions of love.

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanWhere stories live. Discover now