Ikaw at Ako

299 9 7
                                    

Ikaw, na sa umpisa palang akin nang pinangarap
Ninais na makasama at sa tuwina'y makausap
Ngiti mong sa puso ko'y bumihag, mga matang tila nangungusap
Labis ang tuwa sa bawat araw na ika'y mamasdan
Tila ba mga mata ko'y walang kapaguran.

Ako, na sa iyo'y umibig
Puso ko'y ikaw ang ipinipintig
Ikaw ay nawala, ngunit muling nakita
Ako ay umasa na muling magiging masaya
Tayo'y pinagtagpo at noon nga'y nagmahalan. Ligayang
naramdaman walang katapusan.

Lumipas ang ilang taon ikaw ay napagod
Sa pagmamahal at pagintindi ay sumuko
Lumuha ang langit nung ako ay iwan mo
Tagos sa kaluluwa ang sakit at pagsamo.

Pinilit mabuhay ng puso kong sugatan
Sinanay ang sarili na hindi ka kinakailangan
Ngayon nga'y ikaw ay ikaw at ako ay ako
Alaala ng nakaraan nakaukit na sa aking pagkatao.

*Tada! Okay so this is not mine. Ex read my poem 'Kalayaan' and was "inspired" to write one. She said it's for me. Lol
I asked if I can post it, and she said yes. Just reminded me not to tell her if her poem is bashed. Haha!

 Haha!

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.
Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanOnde histórias criam vida. Descubra agora