Isang Sayaw

40 4 1
                                    

Isang sayaw, isang indak
Isang paraan upang makabawi sa pagkakalagpak
Mula ng iyong iwanan sa gitna ng daan
Patungo sa isang lugar na di ko alam kung saan.

Isang sayaw, isang hakbang
Isang ikot kahit na nga ba lutang
Dahil sa sakit ng mga salitang binitawan
Noong araw na ako'y iyong iwan.

Isang sayaw, isang iyak
Luhang tila ulan kung pumatak
Noong sabihin mong lahat ay tapos na
Dahil pag-ibig mo sa akin ay kapos na.

Isang sayaw, isang ikot
Hanggang sa mawala ang aking takot
Na sa dilim ay maglakad na mag-isa
Dahil kamay ko'y binitawan mo na.




*Written on the spot. :) 

 :) 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanWhere stories live. Discover now