Bakit Mahal Kita

265 3 5
                                    

Sa haba ng panahon na tayo ay magkakilala,

Mayroon pa nga ba'ng di alam sa isa't isa?

Aaminin ko, kampante ako at kuntento

Sa bawat sandaling ikaw ay kasama ko.

Isang araw ay isang tanong ang iyong tinuran

Ano nga ba ang basehan ng ating pagmamahalan?

Kaya kong sagutin ang lahat, ngunit di ko alam

Kung saan nga ba dapat aking simulan.

Ang iyong mga ngiting sa akin ay bumihag

O ang mga salita mong kasing tamis ng pulot?

Ang iyong bawat haplos na sa akin ay pumapaso

O ang mga halik na sa akin ay nagpapatahimik?

Minahal ba kita dahil sa iyong ugali

O dahil sa iyong taglay na tiyaga at sipag?

Minahal ba kita dahil sa mga awiting sa akin ay kinanta

O dahil sa walang katapusang pang-unawa at pasensya?

Bawat salita sa mga tulang ating isinulat

Ay katumbas ng mga damdaming ibinuhos sa ating istorya.

Bawat tala sa langit ay naging saksi na

Sa lahat ng unos na pinagdaanan at pinagwagian.

Panatag ang loob sa iyong tabi;

Sa iyong mga bisig kalayaan ay dama ko.

Kapit na sa aking kamay at ating bigyang kulay

Ang ating bukas na paunti-unting binubuo.


*I know it's different from how I usually write; let's just say that this is a product of my stream of thoughts

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*I know it's different from how I usually write; let's just say that this is a product of my stream of thoughts. I like the ideas, though I cannot say I love the words. Haha! I do hope you like it. 

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon