Psst! Lumingon ka naman.
Tapunan mo man lamang ng kaunting atensyon
Ang puso kong matagal nang nagsusumamo
Na kahit minsan lamang ay mapansin mo.
Psst! Lumingon ka naman
Nang makita mong maliit lamang ang mundo ko
Na sa paghahangad ng pag-ibig mo umiikot
At umaasang darating ang araw na pagbibigyan mo.
Psst! Lumingon ka naman.
Kanina pa kasi ako nakatitig at naghihintay
Kung kailan magiging para sa akin
Ang mga ngiti at silay mong kay tamis.
Psst! Lumingon ka naman
Baka sakaling makita mong nakatanga ako
At nalulunod sa panaginip na kasama ka.
Doon kasi lamang kita nakakausap at nalalapitan.
Psst! Lumingon ka naman.
Kahit minsan lang; kahit ngayon lang.
Kahit saglit lang; kahit kaunti lang.
Lilingon... lilingon... lumingon!
*I don't know why I wrote this, to be honest. I just thought of teenage crushes. I know it is corny, but I know you went through the same experience. Right? Imagine your crush sitting not far from you. And you're waiting for him or her to look your way.
ESTÀS LLEGINT
Kalipunan ng mga Salita ng Pusong Sugatan
PoesiaSa malayo nakatanaw Hawak ay iyong kamay; Mahal, nakikita mo ba ang bukas? Sa wakas, tayong dalawa'y gagawa ng ating bakas. © Please, DO NOT copy without the author's permission. Let's practice respect and ethics here.