Bukas na lang

260 8 12
                                    

Bukas na lang kita kalilimutan
Kasama ng lahat ng ating pinagsamahan.
Nandito pa rin kasi sa aking alaala
Ang lahat ng lungkot at saya---

Ang init ng iyong mga labi,
Ang tunog ng bawat mong hikbi,
Bawat pintig ng iyong puso,
At mga bagay na ikinainit ng iyong ulo.

Ang higpit ng iyong mga yakap,
Tinig mong nakaukit sa aking inapuhap,
Bawat mapang-akit na haplos at pabirong tapik,
At mga malilit na bagay na sanhi ng paghagikgik.

Ang init ng iyong mga luha,
Na minsan akala ko'y magdudulot ng baha.
Mga away at di pagkakaintindihan
At ang pagbabati natin minsan.

Mga linya ng mukha mo'y nakaukit pa sa isipan.
Hugis at init ng mga kamay mo'y kahit puso ko'y mahihirapang kalimutan.
Kaya, Mahal, iyo sanang pagbigyan
Bukas na lang kita kalilimutan.



*In a few days, I'll be on a vacation. Will try to write then. Haha! Did you notice the pic above? I saw it on the Internet and I thought it's too beautiful not to share it with you. 

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanWo Geschichten leben. Entdecke jetzt