Araw ng mga Patay

351 10 3
                                    

Ipagdiwang ang araw ng namayapa;
Pumunta sa sementeryo't magtirik ng kandila,
Dalawin ang pusong nilisan ng pag-asa
Na ang kahapon ay maibabalik pa.

Sa araw na ito, ako'y mamamaalam
Sa nakaraang tayo lamang ang may alam;
Ibabaon ang ala-alang iyong nilimot
At mga pangakong sa hangin ibinalot.

Ipagpapagawa kita ng puntod.
Aalayan ka ng bulaklak, wag lang sana pamahayan ng uod.
Sasambitan ka lagi ng panalangin
Na sana ang iyong puso'y wag madurog gaya ng sa akin.

Puso mong binalot na ng lamig
Tila di na alam ang pag-ibig
Kaya kinuha mo pati ang natira sa akin
At binalewala aking damdamin.

Subalit saan pa nga ba pupunta
Ang lahat kundi sa katapusan, diba?
At sa pagtatapos ng araw na ito
Siguradong may bagong buhay na ako.

*Celebrate All Soul's Day with a poem for broken hearts. Lol

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanWhere stories live. Discover now