May Pag-asa pa ba?

271 5 4
                                    

Ang mga ibon ay umaawit
Nagtatanong kung mayroon pang galit
Sa puso mong aking di sinasadyang masaktan
Nang nagpasyang umalis at ikaw ay iwan.

Ang mga bulaklak ay umaasa
Na pagkakamali ko'y mapapatawad pa
Kung hindi na'y buong pusong tatanggapin
Ang kaparusahang ipapataw sa akin.

Unawain mong ako'y puno ng takot
Ngunit sa pag-iisa ako'y nanghilakbot
Madilim at magulo ang aking mundo
Kapag wala ako sa piling mo.

Mga sugat mo'y tutulungang hilumin
Pagbabalik sa akin ay di mamadaliin
Pagkat ang tangi kong nais makamtan
Ay pag-ibig mong walang hanggan.

Mga sugat mo'y tutulungang hiluminPagbabalik sa akin ay di mamadaliinPagkat ang tangi kong nais makamtanAy pag-ibig mong walang hanggan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

*It's raining! You know that means sad poem right? Haha! Again, a million thanks to people who support my works.

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanWhere stories live. Discover now