Ilusyon

483 17 11
                                    

Sa harap ng salamin, ako ay nakatayo

Minamasdan ang mga braso mo'ng sa akin ay nagkukulong

Mga kamay mong unti unting nanlilingkis

Na tila ba bumubuo ng isang matibay na bigkis.


Iyong mga mata'ng sa akin ay matamang nakatingin

Na nagpapaalala ng nakaraang nagdugtong sa atin;

Mga matang minsang tumawa at humagikgik,

Mga matang nilunod ng luha't pighati.


Saan nga ba natutunan ang salitang paalam?

Kailan nga ba ang mga damdamin ay naparam?

Sa aking pag-iisa, ang maalala ka'y di ko mapigilan

At syang gumugulo sa aking katahimikan.


Sa iyong mga kamay, puso ko'y nangungulila

Na tila ba sa pagkawala mo'y nilisan din ng hininga.

Sa iyong pag-alis, ako'y nilamon ng lumbay

At magpasahanggang ngayon damdamin ko'y ngalay.


Sana'y kaya kong hawakan ang aking nakikita;

Imahe mong aking isip ang may likha.

Natatakot akong bukas ay muling maglaho

Ang ating kahapong nakakulong sa aking ilusyon.


Mahal, maaari bang sa panaginip ako'y iyong dalawin

At iukit sa hinagap na ako'y iyong hihintayin?

Sabay tayong uuwi sa ating bagong paraiso

At di na muli hahayaang paghiwalayin dahil sa iyong pagyao.



*What happens when your beloved dies? This poem expresses the persona's grief and longing for his or her love.

Enjoy the music! 


Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanWhere stories live. Discover now