Depresyon

245 9 15
                                    

Madilim ang paligid.

Nakasasakal ang kawalan ng hangin.

Namamanhid pati mga gilagid.

Ang lupang tinatapaka'y tila buhangin.


Lumingon at tumunghay

Ako ba ay nasaan?

Ako ba ay buhay

O kaluluwang di alam ang daan?


Sa isang iglap, ang mundo'y malawak at walang laman.

Sa susunod, ito'y tila nadudurog at nilalamon ng kawalan.

Ako'y tila uhaw na uhaw, nilalamig, nalulunod.

Pati ang mga tala ay wala na dating mga tanod.


Pinagmulan ng dagat ng mga luha ay di alam.

Nananalanging ang bangungot sa wakas ay mamaalam.

Sa isip ay sumagi, nais nang tapusin ang lahat.

Ngunit sariling isip ang nagsasabing hindi dapat.


May ngiti sa mga labi

Ngunit saya ay di tulad ng dati.

Isa akong espirito; walang pakiramdam.

Isa akong payaso; durog, ngunit walang nakakaalam.



*I know I haven't written anything Filipino these past few weeks. Here's one. Don't ask me why it's depressing. Haha! You know that life is not all rainbows and butterflies, right? But the poem is nothing personal. :)

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanWhere stories live. Discover now