Isang Tasang Kape

272 6 4
                                    

Sa isang tasang kape nagsimula ang lahat.
Dalawang estrangherong nagsalo sa iisang mesa,
Dalawang taong nagsalitan ng kwentong kahanga-hanga.
Di ko inakalang ang mga iyon ay magiging sapat.

Nahulog ako at minahal kita.
Ikaw ang naging pinakaimportanteng tao sa mundo ko;
Ang nag-iisang nagbigay buhay sa natutulog kong puso.
Di ko inakalang darating ang araw na mawawala ka.

Isang araw, bigla kang umalis ng walang paalam.
Sana sinabi mong di ka na masaya
At hindi basta binura lahat ng ating alaala.
Di ka man lang nagpasabi, wala akong alam.

Ngayon ako'y muling nagbalik
Sa lugar kung saan tayo ay nagsimula
At sa harap ng isang tasang kape'y inaalala ka
Naghihintay na baka sakaling ika'y magbabalik.

*It's kind of sad when friends break up with their lovers. It's like your heart is breaking by the thought of not seeing them happy together.

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanWhere stories live. Discover now