Nakakalasing

447 16 7
                                    

Nakakalasing din pala'ng mag-isa

Yung sa sobrang tagal ay namamanhid ka na

Yung sanay na ang katawan mo sa lamig

At ang init ay di na paulit-ulit na hinahanap.


Nakakalasing din pala'ng masaktan

Yung sa dami ng luha ay di mo na alam ang pinagkaiba

Ng tubig sa pawis at ng dagat sa ilog

Ng sugat sa marka at ng lason sa alak.


Nakakalasing din pala'ng maghintay

Yung sa dami ng dumadaan ay di mo na alam

Kung saan patutungo o saan lilingon

Kung saan ang tatahakin o saan lilisan.


Nakakalasing din pala'ng magmahal

Yung sa pagiging mag-isa ay di mo na mawari

Kung totoo o ilusyon ang nararamdaman mo

At kung saya o luha ang dulot nito.



*The poem talks about how a cycle of love and pain makes a person drunk and numb. The illusion of numbness and exhaustion makes the person question whether (the next time he or she falls in love) the feeling is real.

*About the song... it's my first time to hear it and I already fell in love with the lyrics. So why not share it, right? :) It says that there is no answer why you are important to me, just know that there's no one above you. 

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanWhere stories live. Discover now