Palalayain Kita

11 2 2
                                    

Palalayain kita

Mula sa bigkis ng nakaraan;

Mga alaalang binura ng panahon,

Mga larawang kumupas at niluma ng araw.


Palalayain kita

Mula sa kahapong tila kay bilis lumipas;

Mga tawanang minsang tumaginting

Mga biruang minsang pinagsaluhan.


Palalayain kita

Mula sa pag-ibig na ni minsan ay di ko naamin;

Mga pahaging na idinaan sa hangin,

Mga sulyap na maka ilang beses kong ninakaw.


Palalayin kita

Mula sa bawat kong pagsisisi;

Mga pagkakataong aking pinalampas,

Mga oras na aking sinayang.


Paalam, mahal.

Bukas, palalayain kita. 



* Hello! Habol pa ba sa araw ng puso? LOL

Here is another poem. As always, this is without editing so please bear with the errors. :)

Ano'ng kwentong pag-ibig mo? Comment down below. :) Thank you so much for the reads and hello to the new readers. 

About the song: It's one of my favorite K-Ballads, "I Don't Love You" by Urban Zakapa. Turn on CC.

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanWhere stories live. Discover now