Bakit Nga Ba?

375 13 7
                                    

Bakit nga ba di na lang ikaw
Ang piliin ng puso kong uhaw?
Kapag kasama ka ay kay saya
At lungkot ay di ko maalala.

Bakit nga ba di na lang ako
Ang piliin ng puso mo?
Palagay ko nama'y bagay tayo
Kasi palagi tayong nagkukumplemento.

Bakit nga ba di na lang tayo
Ang pagkasunduin ng tadhana at mundo?
Pag magkasama'y tila isang pelikula
Puno ng komedya at drama.

Bakit nga ba di na lang ako at ikaw?
Magkapares naman tayo, parang hikaw.
Ikaw sa kaliwa, ako sa kanan
Tulad din ng tsinelas na nasa paanan.

Bakit nga ba? Yan ang tanong ko
Sa mga tala sa gabing ito
Baka naman kaya nilang masagot
Ang mga tanong na sa araw-araw ay hinahakot.



*There will always be someone in our lives who would make us feel so good together that we wonder, "why can't we just fall in love with each other? We complete each other. End of story. Everybody lives happily ever after."

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanWhere stories live. Discover now