Tumingin sa Salamin

334 13 13
                                    

Tumingin sa salamin

At iyong tanawin

Ang iyong sariling mukhang

Puno ng bakas ng mga luhang

Kusang bumagsak dahil sa sakit.


Tumingin sa salamin

At saka isipin,

"Hanggang dito na lamang ba

Ang aking buhay na

Nakatali at nakakulong sa kahapon?"


Tumingin sa salamin

At saka lingunin

Ang nagdaang panahon

Na tinangay ng alon

Ng sinayang na pagkakataon.


Tumingin sa salamin

At saka tanungin

Kung dapat na bang bumangon

At burahin ang lason

At sumpang bumalot sa ngayon.


Tumingin sa salamin

At saka aminin

Na di pa tapos ang lahat,

Nagsisimula pa lamang ang alamat

Kung paanong mula sa hukay ay muling nabuhay.


Tumingin sa salamin

At saka haplosin

Ang sugatang puso

At katawang nahapo

Upang sa wakas ay tuluyang lumaya.


Tumingin sa salamin

At saka yakapin

Ang kahapong di mababawi

At saka tunguhin ang bukas

Na puno ng pag-asa at katapangan. 



*Are you brave enough to face yourself, let go of the past, and move on? Are you brave enough to tell yourself that you are now a stronger person? All seriousness aside, I find mirrors interesting. :) 

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanWhere stories live. Discover now