Tan G. A

372 9 13
                                    

Hindi naman talaga tayo

Pero isang tawag mo lang,

Mabilis pa sa alas cuatro,

Dumadating agad ako.

Ang hirap ng walang label,

Di ko alam san ako lulugar

O kung may puwang para sa'kin

Dyan sa puso mong mailap.

Ang tagal ko din nagdasal at naghintay

Kung kalian nga ba magkakaroon ng pag-asa

Na matawag kitang "akin" at masabi mong ako'y iyo.

Pero libong taon ang nakalipas, wala pa rin.

Makalipas ang ilang taon, sumuko ako.

Di na kinaya ng puso kong marupok.

Di ko alam sino sa atin ang tanga,

Ako na sumuko o ikaw na ngayon lang ako nakita?



*Sometimes, you only realize things when it's already too late.  


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanWhere stories live. Discover now