Huwag Kang Pa-Fall

215 6 9
                                    


Kaaga-aga, kinikilig ako

Tumunog na naman kasi itong cellphone ko.

Aba may message galing sa'yo

Ano na naman kaya ang laman nito?

"Good morning, pretty," bati mo.

Kaya 'yun, bumilis na naman pintig ng puso ko.


Uwian na, kasabay kita.

Mga kamay ko'y hawak hawak mo pa.

Sino ba naman ang di magfi-feeling maganda

Kung ang taong gusto nila ay laging kasama?

Haba ng hair ko diba?

Kasi araw-araw nakikita at nakakausap ka.


Dumadaan sa paboritong tambayan

At kakain ng bananacue at iinom ng gulaman,

Sabay makikinig sa mga awiting madaling sabayan

At iindak na akala mo'y nasa sayawan.

Mag-uumpisa ng walang katapusang kwentuhan

Atsaka pag gabi na'y saka maghahatiran.


Ngunit kahit anong gawin? Di ko mapigil

Na hindi umasa at puso ay manggigil.

Damdamin para sa iyo ay di ko masiil.

Pag-ikot ng mundo ko sa iyo ay di ko maitigil.

Kasiyahan kasama ka, luha ko ang siningil

Sariling isip at kilos ko sa akin ay nagtataksil.


Oo, ito na nga ang buong kwento

Kung paanong sa presensya mo, ako ay kuntento.

Nahulog na nga ang marupok kong puso.

Huwag lang sanang mga pangako ay mapako

At sa panaginip ay magising ako

Na ang totoo ay magkaibigan lamang tayo.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


*Hello! I noticed people are still reading and supporting my poems. For that, I would like to express my sincerest gratitude. Salamat po!

Moving forward, what do you think about these "pa-fall" people we have in our lives? Haha! May na-encounter na ba kayong ganito? Oh, and don't forget to say hello to Tata!

About the song... I am not sure what to put here, but here's Moonstar88. :)

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanWhere stories live. Discover now