Ang Huling Pagkakataon

334 13 13
                                    

Kumusta ka? Tunay ka nga bang maligaya?

Matagal na akong sumubok kalimutan ka

Ngunit ang marinig ang pangalan mo'y tila musika

Na kumikiliti sa aking mga alaala.


Sinubukan ko ang maging kaibigan ka

Ngunit ang iyong kaligayahan, sa akin ay parusa;

Ipinapaalala ang mga panahong nasayang na

At mga pagkakataong di na kayang balikan pa.


Sabi nila ako raw ay isang tanga

Sa pagpipilit na palaging masilayan ka.

Kasalanan bang sa malayo ay patuloy na mahalin ka

At manatili sa tabi mo bilang isang tagahanga?


Subalit sa kalaunan, naisip kong tama nga sila.

Nakakapagod din pala'ng protektahan ka,

Makinig sa mga kwento mo kapag nasasaktan ka,

At punasan ang mga luha mong inialay mo sa iba.


Kung masakit sa akin ang maging masaya ka,

Mas masakit pala'ng pigilan ang iyong mga luha.

Dapat ko na nga siguro tanggaping wala ka na

At kahit ano'ng gawin ko'y sa akin ay di na babalik pa.


Kaya patawarin mo ako, sinta

Sa huling pagkakataon, ako'y tatalikod na.

Susubukang hilumin ang pusong matagal nang nagdurusa;

Pipiliting buuin ang sariling napabayaan ko na.


Sa lahat ng oras na ikaw ang aking inuna

Ay wala ako ni kaunting hinanakit na dinarama

Pero sa pagkakataong ito, panahon ay dumating na

Na sarili ko naman ang hahayaang maging masaya.    



*Okay, I know I've been MIA lately. Haha! So, here's a poem. This goes out to all who finally let go. Those who finally had the courage to walk away. Those who finally learned how not to care. :) I love you all and again, thank you for your support. 

Song above is a song from my favorite Korean Drama. :)

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanWhere stories live. Discover now