Ikaw ay Bituin

1.7K 43 23
                                    

Makukuntentong sa malayo ka tinatanaw
Na tila isang batis na papawi sa aking uhaw;
Ang iyong ganda'y isang bituwin
Na kahit piliti'y di kayang abutin.

Kislap ng mga mata'y patuloy na hahangaan,
Ngiti sa labi'y araw-araw kong pagmamasdan;
Tama na sa akin boses mo'y mapakinggan
At makasama ka kahit panandalian.

Naririnig mo kaya ang bawat pintig
Ng puso ko tuwing tayo'y magkatitig?
Nararamdaman mo kaya ang paru-paro
Na paikot ikot sa isip kong kay gulo?

Giliw, utak ko'y puro tanong
Pagkakataon, kailan kaya magkakaroon?
Nais lamang ipadama ang pagsinta
Sa isang bituwing nag-anyong dalaga.


*Pardon the cheesy-ness. Can't help it! Haha! :) Okay, so as promised, here's the translation:

You are like a star that I admire from afar. I know that even if I try, I will never have the chance to show you my love. However, in my mind, I'm still asking when are you going to give me the chance? I just want you to see how much you mean to me. 

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanWhere stories live. Discover now