Katanungan at Sagot

430 16 10
                                    

Minsan isang hapon
Habang ang buwan ay unti unting bumabangon,
Ako'y iyong nilingon atsaka itinanong,
"Mahal, kung ako'y isang bagay, ano ako?"

Pilit kong hinagilap ang mga salita;
Sa katahimikan ay pinili ang mga letra.
"Ikaw ay ang aking unan;
Ang mga sikreto ko'y iyong laging pinakikinggan."

Lumipas ang magdamag at kinabukasan
Ang katanungan ay muli mong tinuran.
"Ikaw ay ang aking lumang kwaderno
Na naglalaman ng aking bawat kwento."

Sa ikatlong pagkakataon,
Ang iyong parehong tanong ay yaon;
"Ikaw ay ang bawat tugma
Sa tuwing ako ay gumagawa ng kanta."

Bago dumating ang ikaapat,
Ang paghandaan ito'y aking minarapat.
"Ikaw ang aking inspirasyon sa mga tula
Na kahit luma na'y nakaukit sa 'king memorya."

Sa ikalima, ako ay nakaabang
Nag-iipon ng salita habang ikaw ay naglilibang.
"Pitaka ko'y buksan. Ikaw ay ang larawan
Na kahit malabo na'y aking laging tangan."

Sa kalauna'y isang listahan
Ng mga tugon at tugmaan
Ang di ko pagsasawaang turan
Sa tuwing ikaw ay may katanungan.

Darating ang mga araw,
Ang mga sagot ay aking matatanaw;
Ang nais ko lamang iyong tandaan
Bukas ako sa'yo ay may kasagutan.

Mahal, marami akong maisasagot
Kahit pa balat natin ay sabay na mangulubot.
Sa huli'y aking isasagot,
"Ikaw ay ang bawat kong hininga hanggang sa ito'y malagot."


*The persona kept on thinking of creative ways to tell her love what she is to her. Every day, the other person asked, "If I were an object, what am I?" The persona answered, "you are my pillow that knows every secret I have," "you are my old notebook where I wrote all my stories," "you are every rhyme in my every song," "you are every poem etched in my memory," "you are the old photo inside my wallet," and "you are every breath I take until I die." 

diankp Is the translation okay? Haha!

Reader_tweety, Music_Lover73 , and TammyNew this poem is for you. 

SeanKarloRhinIgharascuboxxxis, and miss_eunna8 para sa inyo din to. :)

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanWhere stories live. Discover now