Sa mundong lahat ay panandalian
Puso lamang ang di nasabihan
Na lahat ay may katapusan
At sa huli'y kusang masasaktan.
Sa mundong lahat ay nagbabago
Lahat nabubura kahit tao
Kaya, Mahal, turuan mo ako
Kung paglimot ay paano.
Sa mundong minsang may ikaw at ako
Isip at puso ngayo'y nalilito
Lahat nga ba'y di totoo
O sadyang sa laro ako'y natalo?
Sa mundong lahat ay lumilisan
Sana'y maalala mo kahit minsan
Ang pangalan ko ng minsang magpisan
At ang mga ala-alang sa nakaraan ay nanirahan.
*Hello! My Filipino/Tagalog poems are here. I posted this on FB. :)
*This poem is about asking the person you love, "Why did you forget me? Why did you stop loving me?" and then she goes by saying "I hope you remember me even in the slightest, littlest thing about the old us." She also said, "In this world where everything isn't permanent, teach me how to forget." I think that's basically it. Lol
This goes out to SeanKarlo, -4eyes, RhinIgharas, angelmacss, and diankp.
YOU ARE READING
Kalipunan ng mga Salita ng Pusong Sugatan
PoetrySa malayo nakatanaw Hawak ay iyong kamay; Mahal, nakikita mo ba ang bukas? Sa wakas, tayong dalawa'y gagawa ng ating bakas. © Please, DO NOT copy without the author's permission. Let's practice respect and ethics here.