Repleksiyon

334 8 8
                                    


Nakatingala sa misteryosong buwan

Inaalala ang bawat kahapong nakaraan

Sino nga ba ang tunay na ako?

Ako nga ba itong nasa katawan ko?


Ano nga ba ang nais ng nalilitong puso?

Saan nga ba dapat ako ay tumungo?

Ako nga ba'y isa lamang magandang mukha

O isang kaluluwang kahit paano'y hindi dukha?


Ang tapang ko ba'y tunay at totoo

O parte ng pagpapanggap na ako'y buo?

Sino nga ba akong tila naliligaw?

Kailan bang ang landas ay magiging malinaw?


Oh, buwan, pati na mga tala sa kalangitan

Ang kabuuan nga ba'y kailan makakamtan?

Tama nga kaya ang daang aking nilalandas

Na tinatahak kahit nagbuhol-buhol ang sintas?


Sa palagay ko nama'y ito ang aking tadhana

Na kahit masalimuot ay sa akin inihanda na.

Akin muling ipipikit ang mga pagod na mga mata

At susubukang pakinggan ang pusong tahimik na kumakanta. 


*I constantly ask myself about the things I really want to do

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

*I constantly ask myself about the things I really want to do. You know, when you're getting old and you are wondering if the path you've chosen is really the one meant for you? Haha! Quarter life crisis! Ugh! I'm like that lady in the photo; covered in darkness and mystery. We look lost. Haha! That's my only point, honestly. Lol

If you're reading this, talk to me. Haha! I love talking to readers. :)

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanWhere stories live. Discover now