Muli

85 5 0
                                    

Ilang beses tinanong ang sarili
Dadating nga kayang muli
Ang isang pagkakataon
Na ang puso'y titibok tulad ngayon?

Sa iyong paglisan, aking napagtanto
Na wala nang hihigit o tatalo
Sa isang pag-ibig na naibigay na
Kahit na nga ba lahat ay tapos na.

Sa oras na binitawan mga salitang "paalam,"
"Pag-iibigan natin ay biglang naparam,"
Ay siya ring oras na puso'y nadurog,
Sakit at pait ay tila sumabog.

Sa iyong pagtalikod at unti unting paglayo
Ay siya ring pagkawasak ng pusong dati'y buo.
Magmahal muli ay akin bang kakayanin
Kung sugatan pa ang aking damdamin?


*Hello, loves! Do you ever get that feeling after breakup, like, thinking you cannot love again because you're inadequate? Like, how can you give your whole heart to someone else when you lost a part of it when the previous love ended? Hmm. I was just curious if this is common.

Oh. And do you know this book still ranks? It's unbelievable but thank you, everyone! 💜

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanWhere stories live. Discover now