Kalayaan

259 5 8
                                    

Ganito pala ang maging malaya;
Dating inakala na di ko kaya.
Mga larawan natin ay binura ko na
Kasama ng mga awiting ating dating kinakanta.

Wala na ang sakit at hapdi
At tunog ng magdamag na paghikbi.
Wala na ang galit at pait
Na dala ng mga bagay na di ko maipilit.

Ganito pala ang maging ako;
Na dating kapag wala ka ay di kumpleto.
Di ko na ramdam na ako'y anino
At alam kong ikaw at ako ay magkaibang tao.

Wala na ang mga luha at sugat
Na tila ba dumaloy sa bawat ugat
Ng gabing sinabing ikaw'y lilisan na
At tuluyang ang tayo'y kalilimutan na.

Mahal, masaya na ako ngayon
Dahil malaya na ako, di tulad noon.
Mula ngayon uunahin na ang sarili
Magmahal man muli'y di gaya ng dati.

Mula ngayon uunahin na ang sariliMagmahal man muli'y di gaya ng dati

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

*Pahabol sa Independence Day! Hurrah! I'm back. Lol. Again, thank you for your continuous support. I may not be able to say thanks to those who voted and added the book to their collections, but please know that you are loved. :)

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanWhere stories live. Discover now