Part 52

504 18 19
                                    


Man-hater + Playboy = Rivals


Hanggang pagdating ng classroom ay palaisipan pa din sa akin ang mukha ng vocalist na iyun.

Where did I see him? Why he looked so familiar?

"Omg! Omg! Sobrang saya ko!" di pa din macontain ni Carrie ang kasiyahan niya habang binabalita sa iba naming kaklase ang line-up ng performers sa paparating na Rakrakan.

Panay ang sigawan nila.

Napailing-iling nalang ako. Good for Carrie kasi nakahanap siya ng karamay. Wala kasi siyang mahihitang suporta sa akin sa fangirling niya. Mabuti nalang talaga at absent ang prof namin at tuloy-tuloy ang pagdidiwang nila.

"Party-party na this!!" sabay-sabay pa nilang sigaw.

Ganoon ba kasikat ang bandang iyun? I am never interested of anything related to showbiz kaya wala akong kaedi-ediya who's famous and who's not.

"Are they that famous? Or sadyang OA lang mga reaction niyo?" tanong ko kay Carrie ng mahimasmasan na ito at ang iba pa naming mga kaklase.

"Grabe ka Alecx, ang harsh mo naman!"

"That's why i'm asking, right?"

Inismiran lang niya ako saka mabilis na kinuha ang cellphone na nasa bulsa.

 "Ang sabihin mo, di ka updated sa entertainment industry!" sabay pakita sa akin ng screen."See that?"

Napataas lang ang isa kong kilay. "Ano naman iyan?"

She hissed.

"That's what you called trend list ng Twitter girl, and take note lageng top spot ang band ng baby ko kapag may ganap sila."

Napakunot ako ng noo. "Eh anong konek?"

Napatutop ito ng noo. "Hay naku Alecx, same naman tayo ng year ipinanganak pero ancient ka pagdating sa new trend!"

Nagkibit-balikat lang ako. "Whatever, Carrie."

"Isa na kaya ngayon sa basis ng kasikatan ng isang celebrity if lage silang trending sa Twitter because that simply means na a lot of people are talking about them."

Wala sa loob lang akong napatang-tango.

"Tssk, just to let you know Alecx na di biro ang magpatrend huh at consistent sa top. It requires a lot of users para irecognize ni Twitter ang hashtag."

"Okay, tapos?" sinabi ko lang just to end the Twitter topic kasi feeling ko kahit maabutan pa ng hapon si Carrie mag-explain ay di ko pa din magets.

"Eto pa," pakita na naman niya ulit sa akin ng screen ng cellphone niya.
Nasa Youtube na naman siya ngayon.

"What's with Youtube?"

Ngayon ay napairap na talaga siya.

 "Can't you see? It's their MV! Look at the views girl, millions!"

May feeling ako na di ako titigilan ni Carrie sa pagmamayabang niya sa mga bagong idol niya. Bakit ko pa naman kasi natanong. Hayst.

"Eto pa--"

"Okay na ako Carrie--"

"No, you should see this Alecx." anito saka pinakita na naman ang cellphone nito. At nasa Spotify na naman siya.

"So far, they are the most streamed artists sa Philippines."

"Okay." bored kong sabi.

"See? They really are famous!"

The Playboy's Mysterious GirlWhere stories live. Discover now