Part 7

437 14 0
                                    

Playboy + Manhater = Epic fail revenge



Imbes na bumalik ng classroom pagkatapos magbihis ay dumiritso ako sa rooftop. Ngunit bago ako pumanhik ay naghanap muna ako ng malalaking bato. Mabuti nalang at may nakita ako sa garden ng Celestian High.

Halos hingalin pa ako pagdating ng rooftop dahil sa dala-dala.

Pagkatapos ng ilang segundong pagpahinga ay pumuwesto na kaagad ako at hinanda ang limang malalaking bato kong nakuha galing sa garden.

Kaagad kong tinitigan ng matalim ang tinted glass na dingding ng mini-house ng manyakis.

"Para sa kamanyakisan ng may-ari!" sigaw ko saka binato roon ang unang bato.

What the hell?

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng kulang nalang ay magmukhang bola ng jackstone ang tinira kong bato. Darn! Hindi tinablan ang glass na dingding.

Kaagad kong pinukpok ang sarili kong ulo sa kabobohan. Siyempre hindi iyun ordinaryong glass na isang tapik lang ng batong kasing laki lang ng kamao ko ay matitibag na. Hmp!

"Ang bobo mo Alecxis!" pagalit ko sa sarili.

Pero dahil naroon na rin ako at sayang naman ang dala kong mga bato ay tinuloy-tuloy ko na ang ginagawa.

"Para sa pagkawalang modo ng may-ari!" at binato ko ang pangalawang bato. At tulad ng nauna kong tinira ay wa epek pa din sa dingding.

"Para sa napaka-unreasonable na manyakis!" bato sa pangatlong bato.

Still wa epek.

"Para sa mapangbintang at walang-hiyang Kessler Vinn!"

Wa epek pa din.

Napabuntung-hinga at kapagkuway humugot ng maraming hangin.

"At para sa feeling gwapo at playboy ng Celestian High, damn you asshole!!!" at binato ko ng ubod lakas ang panghuling bato.

Ngunit sa huli ay tumalon lang ang bato. Ang lupit.

Napasalampak ako sa sahig sa pagod. Darn, epic fail iyung una kong plano sa paghihiganti.

Ilang sandali akong nanatiling nakasampa sa sahig at kung saan-saan na napunta ang iniisip ko.

"Okay!" bigla akong napangisi ng malaki kahit mag-isa ng may maisip na ediya.

Dali-dali akong bumaba at pinuntahan ang malaking tindahan ng school supplies sa loob ng Celestian High.

"Pabiling spray paint."

Sandaling kumunot ang noo ng tindera sa sinabi ko. Ngunit imbes na mabahala ay tinaasan ko lang ito ng kilay.

"It's needed in our art project," wala sa loob kong sagot.

Sa huli ay sumunod din ang tinder at kumuha ng binili ko.

Ilang sandali pa ay tumatakbo na ulit ako sa roof top. Bahala na kung magtaka si Miss Tarantala kung bakit natagalan ako sa pagbalik ng classroom. I need to get even with the pervert bago pa man matapos ang araw na 'to.

Pagkarating ko sa rooftop ay kaagad kong sinagawa ang plano. Inuna ko talaga ang facade ng mini-house at sinulatan iyun ng 'Go to hell asshole!' Sa kabilang bahagi naman ay sinulatan ko ng 'F*ck yourself pervert!'

At talagang di pa ako nakuntento at pinagsulatan ko pati sahig ng roof top at talagang nilakihan ko ang bawat letra. 'Maagnas ka sanang buhay, Kessler Vinn!'

Nang makuntento ay bumalik na ako sa iniwan ko kaninang classroom. Biglang gumaan ang pakiramdam ko na hindi ko maipaliwanag. Ganito pala ang feeling ng nakaganti ka sa kaaway mo. Wahahahaha!

The Playboy's Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon