Part 12

500 14 0
                                    

Playboy + Manhater = Friends?




It’s time for our Filipino class.

Hindi pa man nagsimula si Miss Nigre sa idi-disscuss nito ay nag-unahan na ang bibig ko sa kakanga-nga.

Isa si Miss Nigre sa napag-alaman kong terror na guro sa Celestian High. Paano ba naman titig pa lang nito ay parang binabalatan na niya ng buhay ang estudiyante. Kaya hindi na ako nagtaka kung bakit pagdating sa klase nito ay gising na gising ang mga taga Celestians kahit na alas dos iyun ng tanghali at oras para sa sarap itulog.

Kasalukuyan ng nagdi-discuss si Miss Negri sa gitna habang kasalukuyan na akong sinusugod ng walang makapag-pigil na antok.

Nang tingnan ko ang iba kong mga kaklase ay panay din ang hikab nila pero pansin ko din ang pilit nilang pagpapasigla sa mga mata.

“Deym!” mura ko ng mahina ng halos bumagsak ang ulo ko sa antok.

    Kailan pa ba tutunog ang bell para matapos na ang kalbaryo ko sa antok?

     Ilang segundo lang ang nakalipas ay hindi ko na kinaya ang pagbigat ng talukap at tuluyan ng pumikit ang aking mga mata.
Just great!

Nang hindi na ako makatiis ay talagang dumapa na ako sa mesa. Mabuti nalang at medyo may kalakihan ang ulo ng nasa unahan ko kaya hindi ako masyadong kita sa gitna kung saan naroon si Miss Nigre dahil lagot ako kapag nagkataon.

“Aray.” mahina kong sambit.

Ilang sandali pa lang akong nakalimot sa paligid ng maramdaman kong tila may kung anong tumamang bagay sa ulo ko.

Tila army sa bilis kong napaayos sa pag-upo.

    Sandaling nagising ang buo kong diwa.

Minabuti kong makinig muli sa discussion, pero hindi talaga eh. Ilang minuto lang ang lumipas at bumigat na naman ang talukap ko sa mata. Pakshet na antok eh ayaw akong tigilan!

  Wala talagang pumasok sa utak ko sa lahat ng pinagsasabi ni Miss Negri sa gitna at ang ang mata ko naman ay hindi na rin mapigil-pigil sa pagpikit.

Bumagsak na talaga ang mata ko kaya sumampa ako ulit sa mesa habang ginawang unan ang notebook na may mukha pa ni Enrique Gil. Idol na artista iyun ni Lala kaya lahat ng notebook ko ay mukha ni Enrique ang naroon. Tssk. Mukhang lalawayan ko lang si king of the Gil ngayon huh. Chos!

Hindi pa man ganoon kalalim ang pag-idlip ko ng maramdaman ko na naman ang pagtama ng kung ano sa akin. And this time sa mukha ko na talaga tumama. Automatic na napaayos ako ng upo habang napalinga-linga.

Napabuntung-hinga ako sa sobrang inis. Kung sinuman ang naglakas loob na pagtripan ako ay humanda sa akin.

Nagpapahinga ang tao eh.

Humanda sa akin ang nagtangkang disturbuhin ang pagtulog ko. Biruin mo lang ako ng gutom huwag lang inaantok.

Kaagad kong nilibot ang aking mga mata sa mga nakaupo kong mga kaklase. Gusto kong malaman kung sino ang salarin.

At sa paglibot nga ng inaantok kong mga mata ay isa lang ang taong nakita kong hindi rin nakikinig kay Miss Nigre. At halos mamatay-matay siya sa kakatawa sa upuan habang nakatingin sa akin.

Kaagad uminit ang dugo ko sa nakita.

Bigla ay gusto ko siyang sugurin ng makita ang mga kinuyumos na papel sa paanan ko na siya palang binato sa akin kanina.

“F*ck you asshole!” I mouth at him while gritting my teeth.

But he only smirk.

Sa sobrang inis ko ay kinuha ko ang mga binato niya sa aking mga kinuyumos na papel at eksaktong may nakita akong holen sa ibabaw ng mesa ng katabi kong si Darren na kahit fourth year high school na ay mahilig pa rin maglaro ng holen.

The Playboy's Mysterious GirlWhere stories live. Discover now