Part 59

224 10 9
                                    

Playboy + Manhater = Annulled?



"Now, let's plan your church wedding."

Sa gulat ay naibuga ko ng wala sa oras ang iniinum na hot choco na kakabili lang namin sa drive thru ng Jollibee. Damn!

"A w--what dad?!" gulat na bulalas naman ng katabi ko.

Kaagad tumalim ang tingin ni Mr. Celestian sa aming dalawa ni Kessler Vinn.

"What's with your reaction, you two?!" asik niya sa aming dalawa imbes na ulitin ang sinabi. Bakas ang inis sa tinig nito pero nagawa pa din niya akong abutan ng tissue.

Nau-ubong inabot ko din naman iyun at agad pinunasan ang bibig. Bigla akong kinabahan ng wala sa oras. Oh damn, anong church wedding daw? Hindi pa nga tuluyang nag sink-in sa akin ang nangyari sa bahay ng mga Alarcon.

Nagpalipat-lipat ang matalim na tingin ni Mr. Celestian sa aming dalawa ng anak niya na tila binabasa ang laman ng aming mga utak.

Mabilis kong pinatid ang paa ni Kessler Vinn at sinenyasang magsalita siya pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Aba!

Bago pa ako makapagsalita ay pumailanlang na ang malutong na mura ni Mr. Celestian sa loob ng sasakyan. Kahit ang assistant nitong si John na siyang nagmamaneho ngayon ng SUV nila ay nakapagbrake ng wala sa oras dahil sa gulat sa biglaang pagmura matandang Celestian.

Sheyt, dapat di ako sumama sa kanila eh. Pagkatapos kasing mag walk out nina Diego at dalawa kong half-brothers ay wala akong nagawa kundi ang magpahila sa asshole paalis. We badly need a serious talk. Hindi ko naman kasi alam na sasama kami pauwi sa ama niya.

"You are not a real couple." ani Mr. Celestian na tila sa sarili niya mismo kinompirma ang sinabi pagkatapos magmura ng malakas.

Sandali akong natigilan because that's too unexpected. Kasi kelan naman namin sinasabi na kami?

"Who says we are, anyway?" di ko mapigilang sambulat ng makabawi. Because, really? Do we need to state the obvious?

Pero ang di ko inasahan ay ang pagsabog ni Mr. Celestian dahil sa naging sagot ko.

"Then why the hell did you two married each other!?" kamuntik ko pang mabitawan ang hawak na disposable cup sa gulat ng pagtaas ng boses ni Mr. Celestian.

Sheyt, mukhang tinrigger ko lang lalo ang galit ni Mr. Celestian.

I started fidgeting my finger nails. What's wrong with my answer? Bakit siya galit na galit? Di naman talaga kami ng anak niya ah. At di rin naman kami nagpanggap na kami.

"Your hot choco is getting cold, bitch. Finish it." baling sa akin ni Kessler Vinn balewala lang ang biglaang outburst ng kanyang ama.

Ngumuso lang ako. Pinipigilan ang pagnginig ng labi.

"What do you take marriage for? A some sort of game  that you can start and announce game over whenever you feel like it?" pagpapatuloy pa ni Mr. Celestian.

Ang hirap na tuloy ngayon lunukin ng iniinum ko. But Kessler Vinn is too persistent in watching me finish my drink. As if I can make it in one gulp.

Nang hindi ko na talaga kayang ubusin ay umiling-iling ako sa asshole. Tinaasan lang niya ulit ako ng kilay at sinenyasang itapon sa bintana. How can I? Gayung may mga ibang sasakyan na nakasunod sa amin?

Nang hindi ko ginawa ang suhestiyon niya ay kinuha niya ang di nababasag na baso sa kamay ko at nilagok iyun ng isahan at kapagkuway walang pakundangang itinapon ang wala na ngayong laman na cup sa bintana.

The Playboy's Mysterious GirlWhere stories live. Discover now