Part 5

427 12 0
                                    

Playboy + Manhater = No choice


"Lala, please transfer me to other school."

Talagang inagahan ko sa pag-uwi para maabutan ang chief of staff ni Diego bago pa ito tumulak pabalik ng Maynila. Ngunit tila wala man lang narinig si Lala at pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit sa sasakyan.

"Lala please..."

"Alecx,--"

"Celestian High is scary Lala, ayoko doon ang dami kayang bully."

Kitang-kita ko naman ang paglambot ng mukha ni Lala.

"Did someone bully you in your first day?"

Ang bilis kong nakatango.

"Sinaktan ka ba nila?" bigla niyang sinuri ang mukha pati braso ko.

May pagka-oa din 'to minsan si Lala eh.

"No, Lala it's purely verbal bullying."

"I will call the principal, kailangan nating i-report ang pambu-bully ng mga estudiyante sa iyo."

Napapikit ako ng mariin. Darn, akala ko okay na eh.

"Lala naman eh. Just transfer me to other school please..."

Sandaling natigilan si Lala saka ako hinarap.

"Alecx, it's your dad's decision to make not mine and besides your dad wants only the best for you. St. Anne and Celestian High is the best schools here in Cebu kaya doon ka niya ini-enroll."

"Celestian High aren't one of the best Lala, baka nagkamali ka lang ng research. Ang gulo kaya dun tsaka students in there are not a good influence to me,"

Kitang-kita ko naman ang malalim na pagbuntung-hinga ng bestfriend ni Diego.

"Ibalik mo nalang kaya ako sa St. Anne?"

"You got expelled in there, right?"

Bumusangot kaagad ang mukha ko.

"Then ibalik mo ko sa pagiging home schooled," wala sa loob kong suhestiyon. I was home schooled since I was grade 1. Nilipat lang ako sa normal school which is St. Anne Academy pagdating ko ng second year high school.

"Alecx, I told you its not me who can decide that."

I can't help but to roll my eyes at her.

"Then tell Diego," hopeless kong sambit.

Mabigat na napailing-iling ang babae.

"Why don't you talk your dad about it instead, Alecx, I know he'll listen to you."

Ang sama ng binigay kong tingin dito.

"Nah, just don't bother anymore Lala." pagkasabi ay mabilis na akong tumalikod.

***

"Luuuuuuuke!!" napasigaw na ako ng nagbingi-bingihan na naman ang kausap ko.

Nang hindi umubra ang pakiusap ko kay Lala ay si Luke na naman ang pinuntahan ko sa bar. Desperate na kung desperate pero ayoko na talagang bumalik dun sa Celestian High kung saan naroon ang manyakis na kampon ng kadiliman.

"Ang tinis nun young miss ah!" biglang sabat ni Jeff habang abala sa counter.

"Shut up!" asik ko sa business partner ni Luke na tinawa lang nito.

"Umuwi ka na Dayne Alecxis." si Luke na hindi ma-drawing ang mukha sa prisensiya ko.

Alas sais pa lang ng hapon kaya wala pang masyadong tao sa bar kaya hindi ako ganoon ka-isturbo.

The Playboy's Mysterious GirlWhere stories live. Discover now