Part 62

226 8 7
                                    

Playboy + Manhater = Tension





"What's this?" nakataas ang kilay kong tanong sa asshole. Kararating lang niya galing sa trabaho at kaagad siyang may inabot sa aking white envelope.

Nakatihaya ako ngayon sa sofa habang nanonood ng isang panibagong Korean series sa Netflix. I find Uncanny Counter interesting because it's a mixture of fantasy and action. Ngayon naiintindihan ko na ng kaunti si Carrie why she's crazy over Kdramas. May quality nga naman pala talaga ang mga pinu-produce nilang series and movies. So far, wala pa akong  napanood na hindi maganda. Napanood na din namin ng asshole ang Squid Game dahil nirekomenda iyun ni Carrie noong dumalaw sila at di nga kami binigo.

"Tingnan mo." sagot naman niya sabay kuha ng remote ng TV na nasa center table at binalik sa episode 1 ang pinapanood ko.

I eyed him. Episode 2 na ako nun eh.

"Open it." muli niyang utos sa akin ng hindi ako kumilos balewala ang matalim kung tingin sa kanya.

Tumalima naman ako at binuksan nga ang white envelope pero di ko siya nilubayan ng masamang tingin.

"Is this series good?" aniya naman ngunit wala na sa kanya ang atensiyon ko kundi sa laman ng envelope na tumambad sa akin.

"Why are you giving this to me?" napabangon akong bigla at hinarap siya.

Nagkibit-balikat lang siya habang ang mga mata'y seryosong nakatuon sa TV. "Isn't it the proper thing to do?"

Mas lalo lang nalukot ang noo ko. "This is your hard-earned money asshole!" inis kong asik sa kanya sabay sulyap sa payslip at pera na hawak. This is his first paycheck for damn sake!

"That's what my colleagues told me to do."

Muli na namang napakunot ang aking noo. "Told you what? Na ibigay mo sa akin ang sahod mo?"

Kaswal na tumango naman siya. "And I believe that's the right thing to do too."

Mahigpit na nagsalubong ang dalawa kong kilay. The heck? What kind of principle is that?

Kaagad akong tumayo nilagay sa kamay niya ang envelope na may laman ng sahod niya. "This money is yours, so you should be the one keeping it."

Tiningnan naman niya ako ng matalim at muling binalik sa kamay ko ang envelope. "You're the one managing our finances now, so it's best that you should be the one keeping our money."

"It's your damn money!" di ko na napigilang tumaas ang boses.

"My money is your money too." kaswal lang niyang sabi.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata sa inis sa narinig. Gusto ko sanang igiit muli na magkaboardmate lang kami ngunit naunahan na niya akong magsalita.

"Let's go." at mabilis niyang pinatay ang TV at tumayo.

Napataas ang dalawa kong kilay. "Saan?"

"Do grocery shopping? We're almost out of stocks right?"

Natutop ko naman ang sariling noo. Oo nga pala! Pero mas may mahalaga pa akong gustong sabihin sa kanya.

Nakatayo na siya ngayon sa harapan ko at handang-handa ng umalis. "Boardmates or whatsoever, yours will always be yours but what's mine now is yours too and that's unnegotiable." aniya na mukhang nabasa na ang laman ng isip ko at agad binalik sa kamay ko ang envelope.

Akma ko sanang ibalik iyun sa kanya ngunit binalaan na niya ako ng tingin kaya parang tutang napagalitan na nagyuko nalang ako ng ulo.

"Nakapambahay lang ako!" reklamo ko sa kanya habang nasa grocery section na kami ng Metro Ayala. Ngayon ko lang narealize na nakasuot lang ako ng cotton short shorts at Tee-shirt. At ang asshole di man lang ako pinuna kanina bago niya ako hinila palabas ng unit. At take note nakatsinilas pambahay lang din ako habang siya ay pormang-porma dahil galing siyang  trabaho.

The Playboy's Mysterious GirlWhere stories live. Discover now