Prologue

2.9K 43 1
                                    

"Mommy! Mommy!" walang tigil na sigaw ng pitong taong gulang na bata.

"Psssst!" anang babaeng naglilikot ang mga mata.

"Mommy!" tawag ulit ng batang walang tigil sa pag-iyak.

"Sabi'ng tahimik eh!" pasigaw na sagot ng babae na hindi man lang binalingan ng tingin ang bata.

"Mommy let me go! Mommy let me go please!" namamaos na sigaw ng bata tanda ng walang tigil na pag-iyak.

Sumabay sa tinig ng bata ang malakas na pagkulog at kidlat mula sa labas ng bintana.

"You stay there! Diyan ka lang bata," wika ng babae habang abala sa pagkalikot ng hawak na lubid.

"Huwag kang lumapit sa akin!" nanaig ang boses nito mula sa malakas na pagkulog.

"Mommy, what are you doing?"

Hindi sumagot ang babae at abala lang ito sa pagsuyod ng tingin sa kisame.

"Mommy, lets go home. I'm afraid with thunder and lightning," sinubukan ng bata na takpan ang mga mata sa takot sa kidlat ngunit hindi niya magawa dahil parehong nakatali ang kanyang mga kamay at paa.

"Huwag kang lumapit sa akin, bata!" tila walang narinig ang babae at pinagpatuloy ang pag-akyat sa silya sa harap nito kasabay ng pag-abot sa lubid na itinali nito sa kisame ng kwarto.

"Mommy dont, please...mommy! Please let me go,"" walang tigil na sigaw ng bata habang panay ang hablot sa mga kamay at paang mahigpit na nakatali sa kama.

    Ngunit kasabay ng walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan ay ang paglagay ng babae ng lubid sa sariling leeg.

"Mommmmmmy!!!" histeryang sigaw ng bata ng makitang nakalambitin na ang leeg ng babae sa lubid na nakatali sa kisame.

"Dont ever come near to them, Celestine. They are no good to you. They will hurt you like what your dad did to me. Boys will always be boys. They play as much as they want. So please dont fall to any of them because when you do, you will be trapped and will never get rid of their curse," pagkasabi nito ng babae ay tinulak na ng dalawa nitong paa ang silyang pinatungan nito.

"P--Promise me Celestine," anito bago binitiwan ang pagkahawak sa lubid na nasa leeg.

"Mommmmmmmy!!" nabalot ng malakas na pagsigaw ng bata ang buong kwarto ng makitang nakatirik na ang mga mata ng babae.

"H--Happy birthday baby and Im so sorry... I--Lo--ve y---you-," halos hindi na niya matapos ang sasabihin dahil umaagos na ang dugo mula sa kanyang bibig at ilong.

"M--Mommy no! Please mommy no!"

Wala pa ring tigil sa pagbuhos ang malakas na ulan sa labas kasabay ng wala ring tigil na pagsalakay ng kidlat at kulog.

Kitang-kita ang panghihina ng bata habang minamasdan ang babaeng nakabitin sa kanyang harapan.

Ang katawan niya'y nanginginig sa sobrang takot at ilang sandali pa'y lumukob ang kadiliman sa buo niyang diwa.

Lumipas ang maraming sandali.

"M--mommy. M---mommy. P--please untie me now. Please m--mommy gutom na g--gutom na a--ako mommy," wala sa loob na murmur ng bata. Halos hindi na marinig ang boses nito sa hina.

Hindi na niya alam kung gaano siya katagal roon sa kwartong iyun. Nagisnan at nakatulugan nalang niya ang malakas na ulan at ngayon ay unti-unti ng sumilay ang sinag ng araw mula sa bintana ng kwartong kinaroroonan niya.

Bahagyang napangiwi ang bata ng maramdaman ang hapdi sa tiyan ganoon din ang namilipitcsa sakit niyang mga nakataling paa at kamay.

Napilitang itumba ng bata ang basong may lamang tubig na nasa sahig para maibsan ang uhaw. Tila asong nilaklak niya ang laman niyun sa sahig.

"M--Mommy--!" sa tuwing mapapasulyap siya sa kanyang harapan ay nanginginig sa sobrang takot ang bata.

Hindi niya kayang tingnan ang kahila-hilakbot na hitsura ng babaeng nakabitin ang ulo sa kisame, tirik ang mga mata, nakalabas ang dila at unti-unti ng nangingitim.

Panay ang iyak ng bata habang walang tigil na tinatawag ang pangalan ng kanyang ina habang isiniksik ang sarili sa ilalim ng kamang pinagtalian sa kanya.

Halos wala na ngang lumabas na luha sa kanyang mga mata. Gustuhin man niyang sumigaw para magising ang mommy niya ay wala siyang sapat na lakas.

"M--Mommy please wake up,"

"Daddy help me---," wala sa loob na sambit ng bata.

She suddenly stunned after remembering what her mother has told her.

Dont ever come near to them, Celestine. They are no good to you. They will hurt you like what your dad did to me. Boys will always be boys. They play as much as they want. So please dont fall to any of them because when you do, you will be trapped and will never get rid of their curse.

"D--Daddy--."

"Your dad broke my heart Celestine".

"He caused me so much pain kaya ayoko ng mabuhay pa".

"He hurt me, soon he will also break you too".

Nanginginig ang mga kamay na ikinuyom iyun ng bata kasabay ng pagsibol ng kakaibang galit sa dibdib niya.

Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang isa sa huling binitawang salita ng kanyang ina.

"Dont ever come near to them, Celestine. They are no good to you."

"Sasaktan ka nila. Sasaktan ka din nila tulad ng ginawa ng daddy mo sa akin."

Nagtagis ang pangang nagtaas ng ulo ang bata at hinarap ang unti-unti ng nangangamoy na katawan ng kanyang ina.

"N--No one can hurt me mommy. No one. Because I will never fall inlove to anyone. NEVER..." and she fell asleep.

The Playboy's Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon