Part 61

222 10 7
                                    


Playboy + Manhater  =  Small Fights



A week just passed but it already feels like a year. Pakiramdam ko ang dami-daming nangyari sa loob lang ng isang linggo. First, we got married while drunk, then decided to cohabitate as boardmates where we experience all sorts of highs and lows of emotion. Frustration, disappointments, anger, freedom, sadness, at lahat-lahat na ng klaseng emosyon na di ko akalaing puwedeng maramdaman iyun ng sabay-sabay ay naramdaman ko. Now I wonder how other people living together in one roof were able to overcome all of these? How do they managed?

"Hotdog and ham na naman?" Iyun agad ang bungad niya pagkalabas na pagkalabas ng kwarto at tumambad sa kanya ang niluto kong ulam.

Napanting kaagad ang teynga ko sa narinig pero pinili kong kontrolin ang aking emosyon.

Tapos na siyang maligo at nakabihis na siya ng puting polo shirt at pinaresan ng khaki pants na parehong madaliang binili namin sa Metro Ayala noong nakaraan para magamit niyang  uniform sa pagtatrabaho niya bilang Job Order sa Budget department ng Cebu City. Lance's father who is the current sitting mayor of Cebu City helped the asshole land for work. In all fairness sa asshole tinohanan niya talaga ang sinabi niyang magtatrabaho siya para sa aming dalawa.

Kaya naman pinipigilan ko ang inis ngayon at patulan siya because I am his boardmate with conscience. This is my way of thanking him for his good samaritan. Lagi akong nagpapakumbaba kahit na rinding-rindi na ako sa mga reklamo niya lalo na sa mga luto ko palagi. Dapat nga magpasalamat siya dahil napi-perfect ko na ngayon ang pagprito ng hotdog at ham din. Pati nga pagsaing ng bigas ay di na umaapaw ang tubig. At di ko na rin sinasabunan ang bigas. Pinagtatawanan kasi ako ni Carrie ng malaman niya ang nangyari noong unang beses akong magsaing. Di naman pala sinasabunan ang bigas. Kaya ngayon ay palagi na akong kumukunsulta sa youtube para sa mga tutorials o di kaya ay tumatawag ako kay Dora o kay Aling Diday kapag nagluluto. And so far, na-achieved ko na ang perfect na pagprito ng hotdog, itlog, ham at pagluto din ng pancit canton at instant noodles. Sobrang proud kaya ako sa sarili ko. Pero iyun nga lang ay agad-agad pinuputol ng asshole ang tiwala ko sa sarili tulad ngayon.

Nakapangulumbaba ako ngayon sa maliit naming dining table. Nakapatong ang dalawang paa sa upuan at naniningkit ang mga mata na nakasunod sa asshole. Pigil na pigil akong patulan ang pagka reklamador niya.

"Put down your feet." aniya.

Di ko siya pinansin. Grabe ang paa ko na naman ang napagdiskitahan niya. Inaano ba siya ng mga paa ko?!

"Shit!" di ko napigilang mura ng bigla niya nalang hinila pababa ang dalawa kong paa bago dumiritso sa pag-upo sa katabi kong upuan.

There! Naubos din ang gahibla kong pasensiyang nilaan para sa kanya.

"Mind your own business, asshole!" asik ko sa kanya at muling binalik ang paa sa pagpatong sa inuupuan.

Ngunit di pa man iyun lumapat ng maayos sa upuan ay muli na naman niyang hinila iyun pababa. Kamuntik pang sumubsob ang mukha ko sa mesa mabuti nalang at mabilis reflex ko.

Pakiramdam ko tuloy ay umuusok ang ulo ko sa sobrang inis.

Tinaliman ko siya ng tingin bilang senyales ng pagsabog ko ngunit nagkibit-balikat lang siya at tuloy-tuloy na sa pagsandok ng kanin. Well, he's not used of eating breakfast before pero dahil nakasanayan kong kumain ng rice sa agahan ay ini-impose ko din iyun sa kanya. Mukhang nasanay na din siya.

"Bakit ba napaka mo?!" hinarap ko na.

Tila wala lang siyang narinig at patuloy lang sa pagsandok.

"Napakareklamador at Napakapakialamero!" pagpatuloy ko sa rant ko.

The Playboy's Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon