Part 35

366 10 0
                                    

(Playboy + Man-hater = Interview thingy 2)






"It's awkward indeed," walang kangiti-ngiting komento ni Cassandra.

Isiniksik ko nalang ang sarili sa sofa sa sobrang hiya. Iilan din kayang staff ng school paper ang nakikinig sa kuwento ni Kessler Vinn. Shit!

At ang mas nakakainis dahil panay pa rin ang tawa ng gago kahit tapos na siyang magkuwento. Ang tagal makapag-moved on.

Tuloy ay hindi na ako nakapagpigil at hinampas ko na talaga sa braso.

"Hay, grabe hindi na nga nahiya panay pa ang tawa. Tssk. Such an annoying jerk!"

Ngunit imbes magalit sa sinabi ko ay mas lalo lang lumakas ang tawa ng gago.

"Nakakatawa kaya ang polka dots mong undies!" And he laughed again.

Tuluyan na akong napakuyom ng kamao.

"Yeah, its kinda funny nga. Mayroon pa ba niyan ngayon, the polka dots underwears?" ani Cassandra at nakisabay na rin ito ng tawa sa playboy.

Ganoon din ang mga crew. I gritted my teeth, napagkaisahan ako roon ng hindi ko napaghandaan.

Ubod naman ng laki ang ngisi ng playboy.

Mas lalong humigpit ang pagkuyom ko ng kamao. Humanda talaga siya sa akin mamaya.

Binantaan ko siya ng tingin ngunit ang gago hindi man lang natinag at may huling hirit pa na mas lalong nagpa-alma sa mga alaga kong dandruff sa ulo.

"Hey, nasaan na pala iyung polka dots na undies mo?" at sabay bira ng malakas na tawa.

Napapikit nalang ako sa pagpigil ng galit. Gustung-gusto ko na talagang kalbuhin ng mano-mano ang playboy ngunit nagpipigil lang ako.

Kalma Alecx, kalma lang. Pasasaan ba't makakaganti ka rin sa gago na iyan.

"How about you Alecxis, what is the meanest thing your bestfriend Kessler Vinn have ever done to you?"

Natigilan ako dun. Meanest thing? I have lots of those. Kasali na ang ginawa sa akin ng gago ngayon-ngayon lang. tssk.

Sandali akong nag-isip. Sa dinami-dami ba naman ng mga kabulastugan ng aking katabi na dinadamay ako ay tila nahihirapan akong mamili. Iniisip ko ang pinaka mean na nagawa niya para saktong pantapat ko sa ginawang pangpapahiya sa akin sa kanina tungkol dun sa classroom incident noong first year college kami.

"Alam ko na!" bigla kong saad.

Sabay namang napatingin sa akin ang dalawa.

"I think its the pretending nun moment," wika ko sabay bigay ng nang-aasar na tingin sa katabi.

Nakita ko naman ang panliliit ng mga mata niya sa sinabi ko.

Oh man, it's my turn this time!

Kitang-kita ko naman ang gulat sa mukha ni Cassandra.

"Pretending to be nun? I think that's interesting," mukhang na-excite pa nitong saad.

Tssk. Let's see if she will still find it interesting matapos sa ikukuwento ko.

"Actually, its not that interesting as you think Cassandra---" akmang pigil ni Kessler Vinn ngunit agad ko siyang naunahan.

"No, you should listen to this Cassandra. Its really interesting. I can guarantee you that," at ngumisi ako ng makahulugan,"

"Oh really? Cmon tell me." napa-ayos pa ito ng upo sa sobrang eager na makinig.

Kitang-kita ko naman ang pag-ayos nito sa recorder para mas mapalapit sa akin.

The Playboy's Mysterious GirlWhere stories live. Discover now