Part 17

369 12 0
                                    

Playboy + Manhater = Friends for purpose?




“Ano na? Sino sa ating dalawa ngayon ang pumunta dito sa kwarto ko at tumabi sa akin sa pagtulog?”

   Hindi ko matanggal-tanggal ang pagkatakip ng mga kamay sa mukha sa sobrang hiya.

   Damn! Really damn!

   This is what I’ve got for being drunk last night. Shit!

   Hindi ko na alam kung saan ko pupulutin ang mukha sa dinanas na pagkapahiya umagang-umaga.

   Bakit ko naman kasi nagagawa ang mga bagay na iyun?

Damn those bottles of beer!

Mas lalo lang umiinit ang pisngi ko dahil sa walang tigil na tawa ng playboy na sayang-saya sa hiyang dinanas ko matapos maalala ang lahat.

Ang lakas ng pagtagis ko nang panga.

Gagong playboy talaga. Naisahan na naman niya ako ngayon.

“Now, tell me bitch whose taking advantage to whom?”

Mas lalo lang humigpit ang pagkuyom ko nang kamao.

May araw din talaga ‘siya sa akin. Humanda lang siya.

“Am I?” aniya at tumatawa nang mapang-asar.

Nanginginig na talaga ako sa sobrang inis sa kanya kasabay ng hindi matatawarang hiya na nararamdamn.

He really did achieved of making me embarrassed to the full extent.

Gusto ko na talaga siyang hambalusin ng ubod ng lakas ng unan niyang Iron man pero nagpipigil lang ako. Ke playboy-playboy pero isip bata naman. Tssk.

“Am I still the perverted one here?” aniya at ngumisi ng mapang-asar.

Sayang-saya talaga siya na pinapaalala sa akin ang lahat. At nang hindi ko na kinaya ang mga pang-aasar niya ay talagang binato ko na nang unang may mukha ni Iron man.

“Rot in hell asshole!!” pagkasabi ay mabilis na akong tumakbo palabas ng kwarto ng playboy.

Abot-abot naman sa pandinig ko ang malakas na tawa ng gago. Grrr!!

“Alecxis, why are you running?”

Nakasalubong ko sa gitna nang hagdanan si Miss Benetiz at may dala-dala na itong damit.

“Err--I need to go home Miss Benetiz.” hindi makatingin kong sagot.

Damn! I’m so embarrassed!

Hindi ko talaga matanggap sa sarili ang pinagagawa kagabi lalo na ang pagmamakaawa sa playboy. Shit!

At talagang nakuha ko pang tumabi sa manyakis? What the! Nagiging normal pala ako kapag lasing, ganoon?

If Dr. Romana will find this out ay hindi na ako magtataka kung isa-suggest niya ang ganitong klaseng treatment. Tssk.

“Ok, but you need to change your clothes first.”

“It’s ok Miss Benetiz, this will do.” tukoy ko sa suot na maruming damit at agad tumalikod.

Hindi ko na talaga kayang manatili pa ng kahit ilang sandali sa pamamahay na iyun sa sobrang hiya.

Wala akong maiharap na mukha sa mga tao roon lalo na kay Mr. Alviar.

“But Alecxis---,”

         Hindi ko na pinakinggan pa ang alinmang sasabihin ni Miss Benetiz at mabilis ko nang tinakbo ang hagdanan. Bahala nang mahulog basta makalayo lang ako roon.

The Playboy's Mysterious GirlWhere stories live. Discover now