Part 19

361 10 0
                                    

Playboy + Manhater = Deal over




   Kung noong una ay wrong timing ang pagtunog ng bell ng gusto kong kausapin si Carrie sa huli ay bumawi rin naman sa akin ang bell.

   Hindi kasi natuloy ang exam ni Miss Tarantala dahil naabutan kami ng pag-ring ng bell para sa susunod na subject. Hindi ko tuloy mapigilang mapausal ng alleluia sa sobrang tuwa. Aba naman, nakakahiya kayang makakuha nang itlog na score sa exam.

  Doon ko napatunayang hindi pa din pala ako lubusang nilamon ng kamalasan dahil sa playboy. Hmp.

  Kaya pagdating ng lunch time ay ang sarap ng timpla ng mukha ko. Dahil bukod sa nakaiwas ako sa exam ni Miss Tarantala ay excited na ako sa naging usapan namin ng playboy. He will clean my name being labeled as his mysterious girl.

  Hmp. Kaagad umasim ang mukha ko sa pagbanggit ng katagang iyun sa isip ko. Nakakadiri actually.

  Palabas na sana ako nang classroom para maglunch ng maabutan ko sa pintuan ang babaeng nakita kong kasama ng playboy na manyakis na lumabas ng Queens land.

    At ngayong nakita ko ito sa malapitan ay hindi ko mapigialng mapailing-iling. She’s very young. Tingin ko nga ay freshman pa ang babae. Darn, freshman pa pero ang mga pinagagawa ay pang lagpas trenta na. Tssk.

   Muli akong napailing-iling. Ang tindi din ng babae. Hindi man lang nag-intay na ang lalaki mismo ang pupunta sa kanya.

     Kawawang babae hindi niya alam ay sa likod niya’y kung sinu-sino nalang ang kinakalantari ng magaling niyang boyfriend. Hmp.

     Hindi naman lingid sa peripheral vision ko ang pagsingkit ng mga mata ng babae pagkakita sa akin.

Anong problema ng batang ‘to sa akin? Kung makatingin ay kulang nalang lamunin niya ako sa nanlilisik niyang mga mata.

Dapat eh iyung mata niya ay ginagamit niya nang maayos para bantayang maigi ang boyfriend niya at hindi iyung ginagamit sa walang pakundangang pagseselos.

    Akma sana akong iiwas ngunit mabilis na akong sinalubong ni Cheska at sadyang binangga ako sa balikat.

What the heck?

“Babe, let’s go. I’m so hungry na talaga.” pabebe pa nitong sigaw diritso sa pagpasok sa classroom kung saan naroon ang boyfriend nitong playboy.

   Automatic akong napangiwi. Babe my ass! Kung alam lang nito kung sinu-sino ang nilalandi ng boyfriend niyang playboy kapag wala ito sa paligid ewan ko lang kung matawag-tawag pa niyang babe ang gago.

   Eksaktong pagkalabas ko nang classroom ay lumagpas naman sa harapan ko ang babae na sobra pa sa cobra kung makalingkis sa braso nang playboy. Nakasunod din sa mga ito ang apat na kaibigan ng playboy.

   At nagawa pa talaga akong lingunin ng babae para irapan. What the! As if naman naiinggit ako sa pagiging makati nilang dalawa nang boyfriend niya.

   I can’t help but to smirk. I pity for her tho. But duhh, choice nitong magpakatanga eh di hayaan.

Pagdating ko nang canteen ay hindi maitago ang tuwa ko sa dami nang binili kong pagkain. Bigla akong naging ganado sa isipang malapit na akong makalayo mula sa anino nang playboy.

Halos hindi ko na nga mahintay na pabulaanan ng playboy ang inaakusa sa akin ng mga Celetians na ako si Mysterious girl. At kapag mangyari iyun ay isa-isa ko talaga silang bibilatan lalo na iyung mga tumatawag sa aking malandi. Kung makapanghusga ba naman sa akin ay tila inaano ko iyung playboy.

   Habang papunta ako sa paborito kong mesa ay kinibit-balikat ko nalang ang mga matatalim na tingin ng mga Celetians.

Hintayin lang nilang matapos ang araw na ‘to at isasampal ko talaga sa kanila ang katotohanang wala akong uganayan sa kinababaliwan nilang playboy. Isaksak pa nila sa baga nila kung gusto nila.

The Playboy's Mysterious GirlOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz