Part 14

390 11 0
                                    

Playboy + Manhater = Drunk




“Hindi siya mag-isa. Ako ang kasama niya kaya humanap nalang kayo ng ibang maka-share niyo ng room mga dude.”

     Kaagad naglaho ang naramdaman kong kaba kanina. Para akong nakahanap ng kakampi sa biglang pagsulpot ng playboy. Buong akala ko pa naman hindi marunong makonsiyensiya ang gago. May kunti naman palang natira.Tssk.

     Tila sandaling napipi naman ang mga dugyot. Tssk. Parang kanina lang ay ang lalakas ng loob na manlandi iyun pala’y may kaputian din pala ang mga itlog.

    Kaagad ko namang hinarap ng magkasalubong na kilay ang gagong playboy na bigla nalang sumulpot.

“What are you doing here?”

        Siyempre, hindi ko pinapahalatang nakahinga ako ng maluwag na naroon siya. Tataba lang ang atay ng gago pag nagkataon.

“Bakit bawal ba?” asik niyang sagot habang nililibot ng tingin ang paligid.

         Napalatak ako sa narinig. Ang hambog niya pa rin, grabe. Kahit halata namang nakonsiyensiya siya sa pang-iwan niya sa akin.

          Nasa Rey’s KTV kami nabasa ko kanina sa labas. Hindi naman siya ganoong kalaki at halatang pangmasa. Iyung klaseng welcome lahat.

     Paano niya kaya ako nasundan doon?

     I saw him smirked na tila nabasa ang laman ng isip ko.

“Stop assuming bitch, hindi kita sinundan. Gusto ko lang kumanta at maglasing ngayong gabi at ikaw, bahala ka pa rin sa buhay mo!” pagkasabi ay nagpatiuna pa talaga ang gago sa pagpasok sa room 15.

    Wow! At talagang inulit pa talaga daw ang bahala ako sa buhay ko as if naman ginigiit ko ang sarili sa kanya.

      I returned the smirk on him sabay sunod dito sa loob.

“Eh di kumanta at magpakalasing kang mag-isa mo pero kumuha ka ng sarili mong room huwag dito.”

     Bigla nalang siyang ngumisi.

“Fine, then. Ok naman siguro sa iyong ang mga adik sa kanto na iyun ang maka-share mo ng room diba?”

     Kaagad akong napangiwi. Damn this asshole ang lakas talagang makabara sa akin.

        Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa loob.

“Bahala ka na nga sa buhay mo!” inis kong sabi.

    Sinagot lang niya ako ng masamang tingin. As if naman matatakot niya ako dun.

   Pinasadahan ko ng tingin ang buong kwarto. Hindi siya ganoon ka-kalakihan pero malinis at air conditioned. May malaking videoke machine sa gitna kung saan parang vending machine na hinuhulugan ng barya. Mayroon ding ibat-ibang lights na sumasayaw sa kisame na siya na ring nagdala nang mapusyaw na liwanag sa buong kwarto.

          Nakita ko ang playboy na agad kinuha ang makapal na song book na nakapatong sa mesa.

I scowled. Mukhang seryoso nga siya sa sinabing gusto niyang kumanta. Wala pa naman ako sa mood para makinig sa mga basag na boses. Tssk.

        May dalawang magkatapat na mahabang upuan na naroon. Pinili ko iyung nasa kanan. Inukopa naman niya ang katapat.

          Wala pang ilang minuto ay may kumatok nang waiter ng KTV.

“May order kayo maam, si--”

“Mine is beer.” mabilis kong sagot.

           Taas ang kilay na napatingin sa akin ang playboy ngunit hindi ko siya pinansin. Walang pakialamanan diba? At isa pa hindi lang siya ang may balak magpakalasing ngayong gabi. I want to get drunk too.

The Playboy's Mysterious GirlWhere stories live. Discover now