Part 16

429 11 0
                                    

Playboy + Manhater = Embarrased



  Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na dumadampi sa aking mga mata. At nang tuluyan kong buksan ang mga mata at ilibot ang paningin sa paligid ay kaagad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga ng mapansin ang hindi pamilyar na kwartong kinaroroonan ko.

         Darn! Hindi iyun ang kwarto ko. Kulay asul ang kobre-kama at mas lalong hindi sa akin ang kumot na bumalot sa katawan ko na may mukha ni Iron Man. What the f*ck!

      Nasaan ako?

“Ouch!” impit kong sambit sabay sapul sa ulo.

Ang sakit ng ulo ko sobra.

“Glad you’re awake Alecxis.” muntik pa akong sumigaw sa gulat ng may marinig na nagsalita sa likuran ko.

         Damn, nasaan ako? Kaninong kwarto itong tinulugan ko?

At nang lingunin ko ang nagsalitang tinig ay sumalubong sa akin ang pamilyar na ngiti ng babae.

        F*ck! Papaanong nandoon si Miss Benetiz?

         Ibig sabihin ay nasa bahay ako ng ...playboy??

Papaanong nangyari?

Sandali akong napahilot sa sariling sentido.

          Damn, wala akong maalala ni isa sa nangyari kagabi matapos akong magpakalasing sa isang KTV bar sa Lapu-Lapu.

         Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil sa sobrang hiya kay Miss Benetiz. Ano nalang ang iisipin ng Celestian High principal tungkol sa akin? Baka itakwil na naman ako ng panibago kong eskwelahan kapag malaman nila ang nangyari. Darn it!

           Ngunit dahil sa ginawang pag-iwas ko nang tingin ay laking gulat ko naman ng mabaling sa ibang direksiyon ang aking mga mata at nakitang may isang bulto ng katawan na nakabalot ng kumot sa tabi ko.

“Wahhhh!!” gulat na gulat kong sigaw.

     I’m sleeping with someone?? Napotcha na!

     Natigil lang ang pagsisigaw ko ng tumaas ang tingin ko sa taong nakatayo sa kabilang bahagi din ng kama opposite ng kinatayuan ni Miss Benetiz.

   Magkasalubong ang kanyang mga kilay na nakatingin sa akin. Bakas sa mukha niya ang pinipigil na galit. Damn! I think I already saw him.

      Basing on his body built ay panigurado akong siya ang nakita ko sa roof top at doon sa Marco Polo kagabi.

        Tinitigan ko nang maigi ang mukha ng lalaking sa tingin ko ay nasa late fourties. At ahbang pinagmamasdan ko ito ay hindi ko nga maikakailang siya nga ang ama ng manyakis na playboy.

          Sa sobrang pagkapahiya sa tagpong naabutan ng mga ito ay wala pang alas kuwatro sa bilis na tumalon ako mula sa kama. Bigla ay gusto kong maging invisible panandalian.

“Damn, ang ingay!!” sigaw ng taong nakabalot sa katabi kong kumot.

Napakuyom ako ng kamao ng makilala ang boses. Ang manyakis!

Ngunit bago ko pa man siya madaluhong sa inis ay naunahan na ako ng pagdagundong ng galit na tinig sa buong kwarto.

“Get up now Kessler Vinn at ipaliwanag mo sa akin ngayon ang mga ginawa niyong kabulastugan kagabi?!!”

     Sandali akong napanganga sa narinig. Muli akong nanlamig. Mas nakakatakot pala ang boses niya sa personal kesa sa telepono at malayuan.

Damn! I think i’ll be dead for real this time.

The Playboy's Mysterious GirlWhere stories live. Discover now