Part 45

479 14 21
                                    

Playboy + Man-hater = blushing?

It's Friday again and the day started with a sunny weather. Nakakaganda ng mood sa mga tulad kong sumpungin.

Nasa loob pa lang ako ng sasakyan na naghatid sa akin sa CU ay ramdam ko na ang excitement ng mga kapwa ko estudiyante para sa pagtatapos ng araw na iyun at pagsalubong sa mahabang weekend. Holiday kasi sa Lunes kaya mas lalong nakaka-excite.

Huling araw din iyun ng final exams ng mga graduating students sa CU including the five assholes kaya mas lalong ramdam ang kasiyahan sa buong CU.

"Maam Alecx, anong oras ba kita susunduin mamaya?" untag sa akin ni Manong Austing kaya agad akong napabaling dito mula sa pagtanaw sa labas ng bintana.

"The usual lang Mang Austing."

I referred the usual sa alas tres ng hapon. Iyun kasi ang oras natatapos ang huli kong klase.

"Walang lakad ang barkada?" anito na ngumisi. Sa loob ng apat na taon ay naging kakutsaba ko na ito sa mga ginagawa kong pagtakas lalo na kay Dora na siyang taga report kay Lala at Diego sa Maynila.

Wala sa loob na nagkibit-balikat lang ako saka mabilis na sinukbit ang bag at lumabas ng sasakyan. I'm not in the mood na gumala ngayong araw after class although alam kong magsi-celebrate talaga ang lima.

“Makinig ng maigi sa klase maam Alecx huwag puru tally sa mga sinasabi ng prof ang ginagawa.” pahabol na asar sa akin ni Mang Austing ngunit di ko lang pinansin.

Eksaktong pagkalabas ko ng sasakyan ay agad nagvibrate ang phone ko sa bulsa at nang sinuhin ay di nga ako nagkamali.

"Oh?" may bahid inis na tinig kong sagot. Kanina pa kasi tong si Carrie kakatext kung nasaan na ako.

"Nasa CU ka na?"

Kaagad akong napairap. "Oo, kararating lang. Bakit?"

"Omg!! So nakita mo na?"

Sandaling napataas ang isa kong kilay at kapagkuway napakunot ng noo.

"Bakit, anong meron?"

"Ay di mo pa pala nakita? Punta ka na dito dali!"

Dahil sa nakakarinding sigaw ni Carrie ay napilitan akong patayin ang tawag. First time ata na naunang dumating ng eskwelahan sa akin si Carrie paano ba naman eh halos di siya makatulog ilang araw na sa sobrang excitement sa concert ng KPOP idols nito. Ngayong araw siya aalis papuntang Manila para manood ng concert kaya ayun di mapakali.

Habang naglalakad papuntang gate mula sa pinaradahan ng sasakyan ni Manong Austing ay pilit ko nang hinanda ang sarili sa nakakarinding ingay ni Carrie dahil sa excitement nito sa pagpunta sa concert ng EXO. Inaya pa nga ako ng gagang sumama dahil magpapatour daw siya sa akin sa senado kung saan naroon si Diego. Tssk.

Nasa bukana na ako ng gate entrance ng CU at kasalukuyang binubuksan ang bag for checking ng maulingigan ko ang isang pamilyar na boses na primadonna'ng nakipag-usap sa isa pang security guard sa tabi.

"I know he's inside, so just let me in because I need to talk to him!"

"Pero maam, bawal po kayong pumasok lalo pa't di naman kayo estudiyante dito."

Hindi ko tuloy napigilan ang sariling lingunin ang babaeng nag-astang primadonna. At hindi nga ako nagkamali ng hinala na siya ang nagmamay-ari ng pamilyar na boses. She's still wearing her uniform in her own school at di man lang nahiyang magkalat sa CU.

"And why not? Hoy kuyang security guard baka di mo ko kilala, girlfriend ako ni Kessler Vinn na nag-iisang anak ng may-ari ng eskwelahang to, and I have all the rights to get in even without your permission!"

The Playboy's Mysterious GirlWhere stories live. Discover now