Part 46

689 15 12
                                    


Manhater + 5 assholes = Unexpected trip


Everything happened so quickly. Basta sunod ko nalang na namalayan ay nasa harapan na ako ng white Camaro ng playboy.

“Aren’t you going inside?” aniya.

Inirapan ko lang siya habang nanatiling nakacrossed-arms just a meter away mula sa pinaradahan ng sasakyan niya.

I’m hella furious right now dahil sa sinabi niya a while ago sa harapan ng apat na itlog.

At nang lingunin ko nga ang apat ay ayun nagkukumahog sila sa sikip sa backseat habang hindi kami hinihiwalayan ni Kessler Vinn ng nang-aasar na tingin.

Darn it! Kasalanan talaga ‘to ng asshole. Ang dudumi pa naman ng mga utak nila.

“Sasakay lang ako kung babawiin mo muna sa kanila ang mga sinabi mo kanina.” sabay kong turo sa apat.

“What?” pa-inosenti pa niyang tanong tuloy ay mas lalo lang umusbong ang nararamdaman kong inis.

“Darn you asshole, explain it to them that it was just a kiss in the forehead!”

He’s now smirking so widely.

“Exactly! So, why do I need to explain?”

Pinanliitan ko siya ng mga mata ngunit ang gago ay tinawanan lang ako at wala man lang pasubali akong hinila at sapilitang pinasok sa passenger seat.

"Huwag na ngang aarte-aarte pa bitch. We will be arriving there late dahil din sa kaartehan mo eh." gustuhin ko mang magprotesta perosa huli ay napagtanto ko ding tama siya.

Hintayin lang niyang matapos ko ang problema kay Dora at talagang babalikan ko siya.

Nang lumipat sa kabilang upuan ang asshole at naiwan ako panandalian sa loob kasama ang apat na itlog ay agad ko silang inunahan bago pa sila magsimulang mang-asar.

“Stop that kind of look assholes, sa noo lang iyun!”

At ang potcha lang dahil puru ngising kalabaw lang ang sinagot ng tatlo, while Jayken remained his poker face habang abala sa paglalaro ng PUBG sa cellphone.

"As if may nagtanong... nagtanong kuya Edi..." pakantang pang parinig ni Carl na mas lalo kong ikinainis.

Pagkapasok naman ng playboy sa driver seat ay agad nitong hinugot ang cellphone sa bulsa at may tinawagan.

"Manung Ralph, please bring dad's Range Rover sa SM parking lot. I want it there in 10 minutes.” pagkababa ng tawag ay walang sabing pinaharurot agad nito ang sasakyan.

"Yes!" sabi agad ni Carl na kaagad akong napaismid. Ang saya eh? Tssk. Kung ako ang masusunod ay hahayaan ko silang magkapalitan ng mukha at amoy sa sobrang sikip ng kinauupuan nila sa likod ng sa gayun ay makakabawi ako sa pang-iinis nila sa akin.

"Thanks dude, Carl's butt is freaking big and occupying the whole seat!" tumatawa pang sabi ni Lance sabay tulak kay Carl na nasa gitna nila ni Dwight kamuntik tuloy itong sumubsob sa harap mabuti nalang at mabilis na nakakapit sa likod ng upuan ni Kessler Vinn.

"F*ck you dude!"

Ang lakas naman ng tawa ni Lance at Dwight.

I was busy trying to contact Dora sa pag-asang nasa may signal pa itong lugar kaya namalayan ko nalang na nasa parking lot na kami ng SM. Naroon na rin si Manong Ralph na isa sa mga drivers nila Kessler Vinn.

Nagpaligsahan naman ang apat na nakaupo sa backseat sa paglabas. Ni hindi ko nga maimagine paano nila napagkasya ang mga sarili sa likod. Iba talaga ang nagagawa kapag gala ang pag-uusapan eh. Kung normal na araw lang ay nunkang papayag iyung apat na mokong na magsiksikan sa pandalawahang upuan.

The Playboy's Mysterious GirlOù les histoires vivent. Découvrez maintenant