Part 47

433 14 16
                                    


Manhater + 5 assholes = Bukid life














“Iyan kasi at panay pabibo niyong dalawa at dinadamay niyo pa ang mga bisita natin!”

Napapikit ako ng mariin sa pagkarindi sa paulit-ulit na sermon ni Dora sa dalawang nakakabatang kapatid nito.

Both Junjun and Joaquin ay nanatiling nakayuko lang ang mga ulo. Ni hindi halos magawang magtaas ng tingin sa ni isa sa amin kahit kinakausap ito nila Carl.

Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan na umabot ng isang oras ay ang pagkaaliw naman ng tatlong asungot na sila Lance, Carl at Dwight sa paglalaro ng playing cards. I doubt if they care of whatever situation we have right now.

“Aren’t you done with your nagging, Dora?” di ko mapigilang sabat.

Kaagad namang natahimik ang bruha ngunit pinandilatan muna nito ng mga mata ang dalawang kapatid.

Di nakakatulong sa problema namin ngayon ang mga litaniya niya sa mga kapatid eh. Kung puru siya paninisi sa mga kapatid paano kami makakaisip ng lutas sa aming kinakaharap na problema ngayon?

Hindi ko nga alam kung paano kami nagkasya sa loob ng kubo nila Dora habang nakatanaw sa labas ng bintana. Abot tanaw namin ang dinaanan namin kaninang ilog. Iyung ilog na kaninay hanggang tuhod lang ang lalim ngayon ay hindi na namin alam dahil sa lakas ng pagragasa ng daloy ng malakas na tubig mula sa mga karatig bundok at pati na din siguro dun galing sa falls.

“I doubt if we can cross the river at this moment of time.” mahinang sabi ni Kessler Vinn na kinabuntung-hininga ko ng malalim. Ganoon din si Dora.

Alam kong kanina pa iyun gustong sabihin ni Dora ngunit di nga lang niya masabi sa amin ng diritsahan kaya dun niya binunton sa dalawang kapatid ang frustrations.

Bahagya nang tumila ang ulan pero ang ilog na dinaanan namin kanina ay di ko alam kung ganoon ba din kabilis ang paghupa sa bilis ng paglalim nito.

Pero kung sakali ay may iba naman sigurong madadaanan diba?

Nagsimula na rin akong mangamba kasi mag-alas singko na ng hapon at mas lalong dumilim ang kapaligiran kahit hindi pa gabi dahil sa masamang panahon.

“Maam ganda…”

“How did you cross the river ba Dora everytime na may ganito dito sa inyo? Or may iba namang option na daan?” inunahan ko siya.

“Huwag niyo nang balaking lumuwas ngayong araw ineng. Sa lakas ng ulan ay panigurado akong lagpas sa tao ang lalim ng ilog ngayon. At isa pa nagpapahiwatig na ang gabi kaya mas lalong ayoko kayong bumiyahe kayo pauwi ng ganitong oras.” sabat ng Lola ni Dora na pinilit pang bumangon kahit mahina pa. Kaagad naman itong dinaluhan ni Dora.

“Po?” kinakabahan kong sabi.

“Pero lola, di kasi ang mga ‘to sanay dito sa atin,” ani Dora sabay lingon sa akin na puno ng pag-alala ang mukha.

Sa loob ay lihim akong naiinis sa sarili. Kung di lang sana naging matigas ang ulo ko kanina at sumunod na kami kila Manong Austing ay di sana kami maabutan ng ulan. Tuloy ngayon ay naging alalahanin pa kami kina Dora na may problema pang kinakaharap sa maysakit niyang lola.

“Sus, wag niyo na kaming problemahin! Okay lang kami dito.” wala sa loob na sabat ni Carl.

Halatang nag-ienjoy siya sa paglalaro at walang balak umuwi.

Sa inis ay tinadyakan ko.

“Gusto mo talagang maging pabigat dito no?” asik ko.

Nilingon niya naman ako ng masamang tingin.

The Playboy's Mysterious GirlDove le storie prendono vita. Scoprilo ora