Part 21

449 9 0
                                    

Playboy + Manhater = Cutting classes together



   Pagkatapos ng tatlong araw na absent sa klase ay pumasok na ulit ang playboy. Halos hindi naman magkaundagaga ang mga kaklase ko sa saya. Kulang na nga lang ay bigyan nila ito ng red carpet entrance.

       Hayy, crazy girls be like. Tssk.
 
“Kessler, are you okay na?”

“Magaling na ba iyung pasa mo?”

“Kessler, alam mo na ba kung sino ang nanuntok sa iyo noong nakaraan?”

“Kakasuhan mo ba siya?”

        Pagkadating pa lang niya ay agad na siyang pinuputakte ng mga kaklase ko ng katanungan. Ngunit hindi man lang nag-abala ang playboy na pansinin ang mga tanong ng mga kaklase namin at diri-diritso lang sa upuan niya.

Pasuplado effect pa daw. If I know gustung-gusto naman niya ang atensiyong binibigay ng mga kaklaseng babae namin sa kanya. Tssk.
   Hinarangan naman kaagad ng tila butiki na naman ngayon kung makakapit na si Cheska ang mga babae kong kaklase na nagtangkang lumapit sa playboy nitong boyfriend.

   Hindi ko tuloy mapigilang umismid. Ito na ang ulirang girlfriend. Hindi ba naman mahiyang pumasok sa classroom ng seniors kahit freshman pa lang siya. Hayy, pag-ibig nga naman.

          Cheska is actually very pretty. Iyung hubog ng katawan niya ay tila sa isa nang tunay na bumukadkad na babae. Hindi mo siya mahahalatang first year high school pa lang, sa tangkad pa lang nitong mas matangkad pa sa akin at kung makapag-ayos ito ay tila kolehiyala na.

         Pati ang ibang Celetians sa ibang year level ay nagkakagulo sa labas ng aming classroom ng malaman nilang pumasok na ulit ang playboy matapos mapabalitang nasuntok sa harap ng Celetian High.

   Napailing-iling nalang ako sa upuan habang pinapanood ang pagkahype ng mga kaklase kong babae.

       Ang napabalitang ex naman ng playboy sa classroom na si Suzy ay hindi maitago-tago ang masamang tingin kay Cheska.

Habang ang gagong playboy ay walang pakialam na nakadapa lang sa mesa tila balewala nga lang rito ang presensiya ni Cheska.

   Nakulangan pa ata siya sa tulog.

         Sa ingay ng classroom ay nilagyan ko nalang ng headphones ang dalawang teynga. Mabuti nalang at hindi nagtagal ay dumating na rin si Miss Tarantala para sa una naming subject sa umaga. Kaya wala ng nagawa si Cheska kundi ang pumasok sa sarili nitong klase.

   Bandang alas dos na nang tanghali at nagsimula nang magdiscuss ng panibagong lesson ang guro namin sa Math ng maramdaman ko ang pagtama ng kung anong bagay sa aking likuran.

    At nang lumingon ako ay nakita ko sa sahig ang takip ng isang ballpen.

     Kaagad akong napatiim ng bagang.

         Wala kasi akong ibang mapagbintangan na gagawa noon sa akin sa oras ng klase.

        Nang tingnan ko ang kinaroroonan niya ay nakadapa na naman siya sa mesa niya at kitang-kita kong halos bumabagsak na ang mga mata niya sa antok.

   Binantaan ko siya nang tingin sabay pakita dito ng middle finger.

   Pinigil kong huwag matawa sa hitsura niya. Now he knows what it feels being sleepy in class.

   Ang tatlo nitong katabi ay nagkarerahan na din sa pagtulog. At dahil nasa pinakalikod sila nakaupo ay hindi kaagad napapansin ng guro. Tssk. Abusing their advantage huh.

The Playboy's Mysterious GirlDär berättelser lever. Upptäck nu