Part 23

409 15 0
                                    

Playboy + Manhater = Ceasefire on war




    Nagising ako mula sa mahimbing kong pagtulog ng maramdaman ko ang mahinang pagyugyog sa aking balikat.

“Maam ganda, gising na.” anang tinig.

      Agad ay dinumog ako nang labis na inis sa sinumang pumukaw sa mahimbing kong pamamahinga. At eksaktong pagmulat ko nang mga mata ay ang mukha kaagad ni Dora ang sumalubong sa akin. Tssk. Sarap lang ibalibag dito nang nakabalot sa aking kumot. Ang galing talaga nitong dumisturbo nang pagtulog ng iba.

“Ano ba Dora, umalis ka nga diyan at inaantok pa ako.” inis kong sabi at agad nagtalukbong ng kumot.

“Pero maam ganda, mali-late na po kayo sa ---.”

      Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Dora at bumalikwas na ako sa pagkakahiga.

       Darn, late na nga pala ako sa klase ko!

       Shit! F*ck! Potcha!

        Lahat nalang ng klase nang mura ay namutawi sa bibig ko habang tinakbo ang banyo.

        Pinakaayaw pa naman ni Miss Tarantala ang late.

        Ngunit ng akma ko na sanang paandarin ang shower ay tila nahimasmasan naman ako mula sa after shock na dulot ng alingangang si Dora. Kaya imbes na maligo ay muli akong lumabas ng banyo at binigyan ng masamang tingin si Dora.
“Are you fooling me Dora? Anong may klase ako eh sabado ngayon?!”

        Ang sarap lang talagang sabunutan ng bangs nito sa inis.

“Sino ba ang nagsabi sa iyong may pasok ka ngayon, maam ganda? Ang nais kong sabihin kanina ay mali-late ka sa appointment mo kay Dr. Romana,” aniya’ng nakangisi.

       Darn, ngayon ba iyun?

       Kung alam ko lang ay di sana ay naglock ako ng kwarto para walang makapagpilit sa akin.

“Bilisan mo na maam ganda, kanina pa tumatawag si Dr. Romana,”

        Napatagis ako ng bagang.

“I really hate you Dora!” pagkasabi ay mabilis na akong bumalik sa banyo.

          Ngunit bago ko pa man iyun maisarado ay muling nagsalita ang bruha.

“Anong oras kang nakauwi kagabi, maam ganda?”

         Magkasalubong ang mga kilay na nilingon ko ito.

         Kung maka-interrogate sa akin ay dinaig pa siya’ng amo sa aming dalawa.

“It’s not your business—”

“Labis po akong natakot kagabi nang pumasok dito sa kwarto niyo po sina sir Drae at sir Luke.”

     Agad napalitan ang naramdaman kong inis ng pagkataranta. Ang plano kung magbanyo ay sandali kong nakalimutan at dali-dali akong lumapit kay Dora.

“Ano? Pumasok sila dito kagabi ni Kuya Drae at Luke?”

  Mabilis na tumango ang katulong.

“Natataranta nga ako eh. Hindi ko alam ang gagawin. Akala ko ay huling gabi ko na dito kagabi.”

        F*ck! Sinasabi ko na nga ba at talagang kinakareer ng dalawa kong kapatid ang pagpapabantay sa
akin. Ang sheyt lang!

         Bigla akong dinumog ng sandamakmak na kaba. Lagot na naman ako nito sa dalawa kong kapatid napaka careless pa naman nitong si Dora.

The Playboy's Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon