Part 28

269 9 0
                                    


Playboy + Manhater = Wrath vs. Wrath






Sa wakas ay pumailanlang na din ang tunog ng bell sa buong Celestian High senyales ng break-time.

Ang bilis kong nakapagligpit ng gamit sa mesa at kaagad tinungo ang pintuan.

Ang playboy na manyakis ay hindi na bumalik ng classroom matapos mag-astang hari-harian.

At dahil anak ng may-ari ay walang nagawa si Miss Tarantala kundi sundan lang ito ng tingin. Tssk.

Sa huli ay nagkibit-balikat nalang ako at inatupag ang demanding kong bituka. Kanina pa panay ang alburuto ng mga alaga ko sa tiyan. Sa sobrang pagpapadali sa akin ni Lala ay nakalimutan na niya akong pakainin ng almusal. Tssk.

Pagdating sa canteen ay pinagtitinginan na naman ako ng mga estudiyante roon dahil ako lang ang hindi naka-uniform. Si Lala naman kasi.

Sa huli ay kinibit-balikat ko nalang iyun at pinagpatuloy ang pagpila.

Kahit hindi pa lunch time ay heavy meal na ang inorder ko. Aba sa mga sumalubong sa akin ngayong araw ay nakakaubos iyun ng energy.

Pagkabayad ko ng biniling pagkain ay dumiritso na ako sa paborito kong puwesto. Ang bahaging pinakasulok sa mga sulok.

Sandali pa akong napaurong ng makitang pulang upuan na ang naroon.

Kailan nagpalit ang canteen ng mga upuan? The last time I checked, it was still all white.

At nang maglibot ako ng tingin sa paligid ay kita kong puti pa din namang upuan ang nasa ibang mesa.

Anyare?

Sa huli ay napakibit nalang din ako ng balikat. I'm too hungry to mind it.

Pandalawang tao lang ang mesang iyun kaya pinili ko ang upuan na kung saan nakatalikod sa lahat at nakaharap naman sa berdeng bukirin ng Talamban.

Wala pang dalawang segundo simula ng dumantay ang puwet ko sa upuan ay nagsimula ng magtagis ang aking mga bagang.

Shit to the 100th level.

Gusto kong tumayo ngunit hindi ko magawa. Gutom na gutom na ako ngunit hindi ko mahahawakan ng maayos ang kutsara at tinidor dahil sa labis na panginginig ng kamay ko sa galit.

At eksaktong nagtaas ako ng tingin sa paligid at una kaagad kumuha ng atensiyon ko ang nasa hindi kalayuang mesa. Ang grupo ng manyakis kasama ang grupo nila Suzy na halos mamatay-matay sa tawa habang may bitbit na isang galoon ng Ketchup.

Hindi ko napigilang mapapikit ng mariin kasabay ng mahigpit na pagkuyom ng kamao.

Buong akala ko ay naging maingat na ako. Tssk. Naiwasan ko ngang malagyan ulit ng glue sa upuan ko sa classroom pero heto at di ko napaghandaan ang ketchup na nilagay sa paborito kong puwesto sa canteen. Pakshit lang.

Gustuhin ko mang tumayo at sugurin ang gagong manyakis ay wala akong magawa. Nakaputing pantalon pa naman talaga ako.

Ang galing tumayming eh?

So this is how his revenge thingy starts huh? Sabi ko na nga ba't kaya hindi ako nakick-out sa ginawa ko noong nakaraan dahil gaganti ang gago. At heto naman ang magaling na chief of staff ni Diego ay kusa akong pinapain sa kaaway. Tssk.

Kaya pala hindi siya pumatol kanina sa mga sinusulat ko sa kanya sa scratch paper dahil natumbok ko ang plano niya. Hmp.

Halos kainin ko ng buhay ang manyakis habang tinatanaw itong halos mapunit ang labi sa laki ng ngisi kasama ang barkada.

Happy eh? Segi lang, humanda kang immature na gago ka at di kita uurungan. Kung hindi mo ko kinick-out sa eskwelahan mo then hindi din kita aatrasan.

The Playboy's Mysterious GirlWhere stories live. Discover now