Part 48

508 16 11
                                    

Man-hater + 5 Assholes = Multiple Trouble🤦















Note:

Just want to say sorry kasi sobrang tagal kong nakapag-update and wanna say thanks too to those few who waited 😍.


























"H--hoy..." nagsimula ng mabasag ang boses ko dahil sa naramdamang takot.

Wala pa rin akong nakuhang sagot mula sa playboy kaya tuluyan na talagang bumagsak ang mga traidor kong luha.

Mukhang tuluyan na nga siyang napikon sa akin at tinulugan na talaga ako.

Fear is already screaming in me at kahit gustuhin kong tumakbo ay di ko magawa dahil naunahan na ako sa pangangatog ng tuhod.

Iyung luha ko kahit di inuutusan ay nagpapaligsahan sa pagtulo. Pakshet lang!

Mas lalo lang nadagdagan ang naramdaman kong takot ng may makita akong malaking kulay itim na ibon na palipad-lipad sa puno ng saging nila Dora. Ang bilis kong nagtakip ng mga mata gamit ang mga kamay, iyung dibdib ko naman ay tila may nagdadrum sa lakas ng tugudog-tugudog.

Iyun na kaya ang sinasabi nilang ibon na aswang? Iyung aswang nagpalit ng anyo ng isang ibon? Minsan ng nakwento sa akin ni Dora iyun eh. Mas lalo lang akong nangatog sa naisip.

Will this be my last day on earth? Kakainin na ba ako ng aswang? Kakainin din naman niya siguro si Kessler Vinn no? Di naman siguro ako mapapahamak mag-isa? Pero paano kung ayaw ng mga aswang kumatay ng mga taong tulog?

Kahit labis-labis na nanginginig ang mga kamay ay pinilit ko pa ring higpitan ang pagkakatakip sa aking mga mata kahit basang-basa iyun ng luha.

Sa loob-loob ko ay tinatawag ko na lahat ng mga kilalang santo at santa. Pati iyung hindi pa nadeklara ng Vatican na maging santa at santo ay sinali ko na din.

Ngunit ng kumahol ang aso sa likod ng bahay nila Dora. Iyung tipo ng kahol na base pa sa kwento ni Dora sa akin ay iyun ang palatandaan nila na may dumalaw na mga patay na mahal sa buhay nila.

Di rin nakatulong ang biglaang pag-ihip ng malamig na hangin. Iyung lamig na nanunuot sa aking batok tuloy ay nagtayuan ang mga balahibo ko. Kaagad kong niyakap ang sariling tuhod at isinubsob roon ang sigurado akong namumutlang mukha.

Lord, patawad sa mga naging kasalanang nagawa ko pero kailangan bang aswang at multo ang makikita ko ngayong gabi? Sabay talaga, seriously? Huhu.

At nang muling kumahol ang aso na ngayon ay mas matagal pa ay di ko na napigilang mapa-sign of the cross sabay bigkas ng, "Our father who art in heaven hollowed be your name. Thy kingdom come, thy will be done---"

At bago ko pa man makahalati sa panalangin ay dumagundong na ang malakas na tawa mula sa aking likuran.

Iyung akma na sanang pagpatak ng panibago kong luha ay natigil sa ere habang siya ay inuubo na sa sobrang tawa.

"What the hell, bitch? When did you became religious?" Aniya sa pagitan ng halagpak na tawa. Iyung tipo ng tawa niya na kakabagin siya  kinabukasan sa sobrang pagnganga niya.

Pakiramdam ko ay lumusob lahat ng dugo ko sa katawan patungo sa ulo. At kung kanina ay nanghihina ako sa labis na takot ngayon ay tuluyan na akong sumalampak sa lupa. Nabitawan ko ang pagkakayakap sa sariling tuhod. Walang lakas maski daliri ko sa kamay hindi na dahil sa takot kundi sa sobrang inis.

"Damn, I can't stop laughing!" tumatawa pa din niyang sabi.

I couldn't help but to clench my fist so hard while watching him laughing the hell out of his shit.

The Playboy's Mysterious GirlWhere stories live. Discover now