Part 37

387 12 0
                                    

(Playboy + Man-hater = War again)


    
Ang inaasahan kong natatawang reaksiyon ng editor in chief na si Cassandra ay hindi ko nakita. Subalit ay bigla nalang umasim ang mukha nito pagkatapos kong magkuwento.

Habang ang katabi ko  naman ay natahimik bigla at hinuha ko ay pinagluksaan na naman nito ang pagkawala ng bagu-bago nitong Iphone 10. Tssk.

"So, that was it?" malamig na wika ni Cassandra habang hindi makatingin ng diritso kay Kessler Vinn.

Napakunot ako ng noo habang inoobserbahan ito. Anyare? Bakit biglang nagbago ang mood nito? Eh kani-kanina lang ay hindi matanggal-tanggal ang ngiti nito habang panay ang pagpapa-cute sa playboy kong katabi ngayon ay tila biglang nag-iba ang ihip ng hangin.

"Yeah, I think so," wala sa loob kong sagot na ikinibit balikat lang nito.

Did she just realized kung gaano kagago ang aking katabi?

"Down to our last question," anito kapagkuwan habang patuloy na nag-iiwas ng tingin sa aking katabi.

Agad akong nakahinga ng maluwag sa narinig. I wanted to end this damn interview thing kanina pa.

"And this is for you Alecxis,"

     Sandaling napataas ang isa kong kilay sa narinig.

What the heck? Mukhang napalakas ang pag-ihip ng hangin dahil ako na naman ang paborito nitong batuhin ng katanungan ngayon.

"Fire," kibit-balikat kong sagot sabay ayos ng upo.

Nakita ko naman ang pagtalim ng tingin sa akin ng katabi. I know what's in his mind ngunit tinuloy ko pa din.

"This is our last question and this is from our fellow Celestians," ani Cassandra.

Muling napataas ang isa kong kilay.

"We asked them what they are most curious about you two, and this garnered the most tweeted question and this goes to you, Alecx,"

Hindi ko mapigilang mapatagis ng ngipin. Hindi pa man narinig ang tanong ay tila alam ko na kung ano patungkol iyun.

"Cass, I told you if this is about--"

"It's up to her Kessler, if she'll answer this question or not. We won't force her anyway," naglaho na ang pabebe nitong tono para sa playboy.

I rolled my eyes sa narinig. Sabi ko na nga ba eh. Girls like Cassandra will really find a way how to corner me.

Kitang-kita ko naman ang pag-igting ng panga ng aking katabi saka may ibinulong.

"Whatever the question is, just don't answer it,"

Kinibit-balikat ko lang iyun. As if I can avoid the bitches who has been wanting to shooo me away from their bet guy na katabi ko ngayon.

"Go on," baling ko kay Cassandra.

"Bitch," himig banta sa akin katabi ngunit hindi ko pinansin.

Tiningnan muna ako ni Cassandra ng nakataas ang kilay na tila tinantiya ang aking ekspresyon bago nagsalita.

"Is it true that you are you using Kessler and his friends to hide your past?"

Rinig na rinig ko ang malakas na pagtagis ng panga ng aking katabi ganoon pa man ay tinawanan ko lang ang tanong ng mapakla. What a lame question.

"Ofcourse not, why would I use them?" abot ang kilay kong sambit. "As if naman may maitago pa ako," pabalang kong dagdag.

Kita ko naman ang pagtaas ng kilay ng kaharap.

The Playboy's Mysterious GirlOnde histórias criam vida. Descubra agora