Part 49

576 21 20
                                    

Manhater + 5 Playboys = Another Big Trouble








The sun is peeking behind the trees at the parking lot ng magpasya kaming sumabay sa mga magpamilya at grupo ng mga kabataan na nag-ala picnic sa grassy area roon.

"Dito nalang tayo kakain. Madami namang kumakain eh. Ang sikip dun sa sasakyan." suhestiyon iyun ni Lance.

"Gutom na gutom na ako." Si Carl.

Kaagad namang nagtulong-tulong ang apat na dalhin sa labas ang mga pagkaing tinake-out namin mula sa Jolibee sa Carcar.

Habang si Kessler Vinn, as usual umaasta na namang hari. Ni pagdala ng mineral water namin di ginawa.

"Tubig." wika ko sa kanya.

Tinaasan niya lang ako ng kilay habang nanatiling nakapamulsa ang dalawang kamay.

"Eh di kunin mo sa loob." Masungit niyang sagot.

Ang asshole may sumpong pa din.

Binigyan ko lang siya ng masamang tingin bago nagpatiuna. Bahala siya.

Kaagad akong sumunod sa apat na may dala-dala ng mga pagkain namin.

Naghahanap pa man kami ng puwesto kung saan kami uupo ay may narinig na akong nagsalita mula sa umpukan ng mga magbarkadang babae na naroon.

"Kakain kayo? May extra cloth kami para latagan niyo ng dala niyong food."

"Wow! We would love that miss!" ang bilis nakasagot ni Dwight.

Ang isang to din talaga. Di talaga mapipigilang maglandi.

"Puwedeng tumabi na din kami sa inyo?" sinegundahan naman ni Lance na nagpatili sa mga babaeng nasa umpukan.

"Sure!" May isang sumagot matapos ang sabay-sabay na tilian.

God, here we go again with the bunch of  makire girls.

Gusto ko namang matawa ngunit pinipigilan ko lang ang sarili. Alam ko na kasi ang susunod na mangyayari.

"Lecx, you want us here?" si Jayken balewala ang mabilisang paglatag ni Dwight ng asul na tela sa damuhan.

Napatingin din tuloy sa akin ang mga babae na panandaliang nahinto ang pagkain dahil sa pagdating namin.

"Dito nalang tayo dude." si Carl naman.

"Lecx?" ulit ni Jayken.

At ang potcha, nihead to toe ba naman ako ng mga babae doon. Like, hello? Ako pa talaga hinead to toe niyo?

"Dito na tayo." sagot ko at agad ng umupo sa tela.

Wala na ding nagawa si Jayken kundi ilatag sa tela ang mga dalang supot na naglalaman ng pagkain namin. Sila Dwight, Lance at Carl naman ay hayun ang lalaki ng mga ngisi habang nilalabas sa supot ang pagkain namin.

I couldn't help but smirk silently. Tingnan lang natin kung hanggang saan aabot ang ginawa nilang rule na 'no girls' on this trip daw. Lol.

Ngayon pa lang ay nag-iisip na ako ng posibleng hingin kong kabayaran sa pagkatalo nila sa dare.

Agad kong kinuha ang fries na malamig na at sumubo.

"Rice first, Lecx." Si Jayken ngunit kinibit-balikat ko lang.

"You girls want some fries or hamburger?" anyaya ni Lance sa katabi namin na nagpahagikhik na naman sa grupo.

Anong mayroon sa sinabi ni Lance at kailangan maghagikhikan talaga?

The Playboy's Mysterious GirlWhere stories live. Discover now