Part 54

565 13 12
                                    



Playboy + Manhater = Friends no more



And that's it, everything went blow up in just one snap. The next thing I know I was already tagged as "who's that girl" in social media after a photo of me and Brian talking at the backstage circulated.

I didn't know about it not until I woke up the next morning with endless phone calls from Carrie, Greta, Lala at sa dalawa kong kapatid.

"What the heck happened brat?!" iyun kaagad ang binungad sa akin ni Luke matapos kung sagutin ang tawag niya.

Humihikab na bumangon ako sa kama at dumiritso na sa banyo para sana maghilamos ngunit natigil dahil sa sunod-sunod na tanong ng kausap.

"Sino ang lalaking iyun? Do you know him?"

Bahagya kong kinusot-kusot ang mga mata. "Huh? What are you talking about Luke?"

"Tss, check your phone." Anito at kaagad pinatay ang tawag.

I was about to check my inbox ng siya namang pagtatak ng caller ID ni Carrie.

"Shit, Alecx you're trending!" bungad din niya.

Lukot ang mukhang napabaling ako sa sariling repleksiyon sa harap ng salamin. Trending? Ako??? Saan? Bakit anong ginawa ko??

"Ha?" walang kamuwang-muwang kong sagot sa kabilang linya. "Anong trending ang pinagsasabi mo Carrie?"

"Check Twitter, bilis."

Kaagad akong napairap sa kawalan. "Wala ako niyan, gaga."

"Ay oo nga pala! Tss!" anito at sandaling natahimik sa kabilang linya. "Done sending you the screenshots and some links. Check it!" anito kapagkuwan.

Muli akong napairap. Ang hilig talaga nitong magpasuspense ni Carrie. Magbabalita na nga lang ng tsismis di pa idiritso.

"Can you just tell me, what happened?"

Bumuntunghinga muna ito sa kabilang linya. "Fine!" anito at sandaling tumahimik bago sinundan ang unang salita. "You and Brian are caught together last night at the backstage!"

Halos masira ang eardrums ko sa lakas ng pagkasabi ni Carrie.

"WHAAAAAT?!"

"Yes girl, and how dare you not telling me na magkakilala kayo?"

Hindi ko alam kung paano iproseso sa utak ko ang mga sinabi ni Carrie.

"Someone took a picture of you both at pinost sa Twitter kagabi kaya nagkakagulo ang fans ng Reckless at ni Brian. They are claiming na ikaw iyung first love ni Brian na matagal na niyang hinahanap."

Nanghihinang napahawak ako ng wala sa oras sa sink. Anong kaguluhan na naman tong nasuongan ko?

"Hina-hunting ka na ngayon ng fans ni Brian, Alecx. Mabuti nalang at wala kang social media accounts."

What the heck?!

At bago pa man kung saan-saan humantong ang pinagsasabi ni Carrie ay nagpaalam na ako at ako na ang kusang nagverify ng mga pinagsasabi nito.

"Oh, shit!" di ko mapigilang mura ng ibrowse ang link na binigay ni Carrie.

May mga larawan nga kami ni Brian na kumakalat sa social media. Hindi ko alam kung sino ang kumuha ng picture pero nakatalikod ako sa mga lumabas na mga larawan. It was the students who were there sa Rakrakan ang nagclaim sa comment section na ako iyun. At talagang kilalang-kilala nila ako kahit nakatalikod. Ha!

The Playboy's Mysterious GirlWhere stories live. Discover now